Thursday , February 29 2024

Gerry Baldo

Vape company ipinasasara ng Kamara

Vape Smoke

NANAWAGAN ang Kamara de Representantes sa Securities and Exchange Commission (SEC),  sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na buwagin ang negosyo ng Flava, isang kompanya ng vape, sinabing patuloy na lumalabag sa batas. Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means, sandamakmak ang paglabag ng Flava …

Read More »

Suarez binuweltahan akusasyon ni ex-Speaker Alvarez sa planong amyenda sa Saligang Batas

David Jay-jay Suarez Pantaleon Alvarez

HINDI nagpatumpik-tumpik ang bagong talagang Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez ng Quezon province at agad bumuwelta sa, umano’y, mga walang basehang akusasyon ni dating Speaker Pantaleon Alvarez na nais lang pagwatak-watakin ang Kamara de Representantes. Kasabay nito binigyang diin din ni Suares ang kahalagahan ng isang konstruktibong dayalogo sa Kongreso at sinabing ang mga alegasyon ni Alvarez ay layon lang …

Read More »

DA kinuwestiyon sa kawalan ng alokasyon ng pondo para sa rabies vaccine

Vaccine

KINUWESTIYON ni Deputy Majority Leader at Iloilo First District Rep. Janette Garin ang Department of Agriculture (DA) dahil sa kawalan ng alokasyong pondo para sa rabies vaccine. “Nakapagtataka this preventable disease has actually slowed down the past years, pero ngayon tumaas (siya) and supposedly the Department of Agriculture would have been spending rabies vaccine for our dogs, lalo na ‘yung …

Read More »

P1.105-B isinusulong na  budget ng MARINA sa darating na 2024

Marina money pesos

“Dapatsigurado, tayo kung may napanagot sa trahedyang ito, dahil kung hindi ay parang minamaliit natin ang buhay ng mga namatay. Mahigit 30 katao itong pinag-uusapan natin, dapat ay maging responsable tayo sa ating responsibiidad at mandato,” ayon kay Hataman. “At kailangang may managot. Kaya natin tinatanong kung may nakasuhan na,” aniya. Ikinalungkot ni Hataman ang pag-aprub ng budget ng Kagawaran …

Read More »

NatGas kapalit ng coal bilang energy source, pasado na sa Kamara

Nuclear Energy Electricity

PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang paggamit ng natural gas bilang kapalit ng coal sa paggawa ng koryente. Ang House Bill (HB) 8456 o ang Philippine Downstream Natural Gas Industry Development Act, pangunahing akda ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay magtatayo ng Philippine Downstream Natural Gas Industry (PDNGI) para sa mas malawakang paggamit …

Read More »

Kongresista nanawagan ng tulong ‘NAWAWASAK’ NA BENGUET INILANTAD NG BAGYONG EGAY  

Benguet Landslide flood

ni Gerry Baldo NANAWAGAN si Benguet Rep. Eric Yap sa pamahalaang Marcos na tulungan ang probinsiya ng Benguet at mga karatig lalawigan dahil sa grabeng pinsalang naramdaman sa pagdating ng bagyong Egay. Ayon kay Yap, kailangan ang agarang tulong dahil sa malawakang pinsala sa buong lalawigan ng Benguet na inilantad ng bagyong Egay. “Unofficial reports of casualties and missing individuals …

Read More »

Puri ng solon kay BBM
JOB WELL DONE

Ador Pleyto Bongbong Marcos

MAGANDA, umano, ang mga ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., mula nang umupo sa Malacañang. Sa panayam kay Bulacan 6th District Rep. Ador Pleyto, maganda ang umpisa ng panunungkulan ni Marcos at ginawa nito ang nararapat para sa bayan. “It’s a compendium of the initial steps the President has done, and it’s obviously a good start,” ayon kay Pleyto. Matapos …

Read More »

Sa pagbagal ng inflation rate
POLISIYA NG PALASYO KINATIGAN NG KAMARA

Malacañan Kamara Congress

IKINALUGOD ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbagal ng inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa ikalimang sunod na buwan ngayong 2023. Ayon kay Speaker Romualdez, ang naitalang 5.4% inflation rate sa buwan ng Hunyo ay patunay na nagbubunga na ang maayos na pamamahala at epektibong polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., …

Read More »

Peace talks sa CPP-NPA-NDF ibalik na – solon

Malacañan CPP NPA NDF

NANAWAGAN si Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez sa pamahalaang Marcos na ibalik ang usapang pangkapayaan sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).          Ang apela ay ginawa ni Rodriquez kasunod ng pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr., na hindi siya pabor na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF. …

Read More »

Marcos dapat kasado sa banta ng darating na El Niño — Recto

heat stroke hot temp

ni Gerry Baldo HINIMOK ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph G. Recto si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na pagtuunan ng pansin ang parating na El Niño upang maiwasan ang malaking pinsala sa sektor ng agrikultura, koryente, at supply ng tubig. Ayon kay Recto mayroon nang ginawa ang pamahalaan na “Roadmap to Address Impact of El Nino” noong nakaraang El …

Read More »

MARINA, Coast Guard ano’ng ginagawa — solon

MARINA PCG Coast Guard

MATAPOS ang sunod-sunod na aksidente sa karagatan ng bansa, nagtatanong si Cavite Rep. Elpidio Barzaga, Jr., kung ano ang ginagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng Maritime Industry Authority (MARINA), mga ahensiyang may kinalaman sa paglalayag ng mga barko. Ayon kay Barzaga dapat may managot sa mga ahensiyang nabanggit. “Have we not learned anything?” tanong ni Barzaga.                “What …

Read More »

Chacha aprub sa Kamara

congress kamara

ni Gerry Baldo APROBADO sa Kamara de Representantes ang panukalang Charter Change upang amyendahan ang mga probisyon patungkol sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng Constitutional Convention. Nakakuha ito ng 301 boto laban sa anim. Isa ang hindi bomoto. Ayon sa mga nagsusulong nito, magkakaroon ng maraming trabaho ang mga Pinoy at darami ang kita ng bawat isa dahil dito. …

Read More »

Senaryong sibuyas inimbento
PEKENG DATOS ISINUBO SA GOBYERNO – KAMARA

Sibuyas Onions

ni Gerry Baldo NABUKING sa pagdinig ng Kamara de Representantes na ang mga datos ng gobyerno patungkol sa sibuyas at iba pang gulay ay peke at inimbento lamang. Sinabi ng matataas na opisyal ng Kamara, ang mga datos umano, ay galing sa Kagawaran ng Agrikutura (DA). Ayon kina Majority Leader at Zambonga City 2nd District Rep. Mannix Dalipe at Committee …

Read More »

Bansag na ‘terorista’ ng ATC kay Doc Naty pinalagan

Naty Castro

KINONDENA ni House Deputy Minority leader Rep. France Castro ng ACT Teachers party-list ang pagbabansag ng Anti-Terrorism Council (ATC) kay Dr. Natividad “Naty” Castro bilang terorista “The Marcos administration is continuing and intensifying the attacks launched by the Duterte administration on human rights defenders and critics of the administration. No wonder it is afraid of returning to the ICC,” ayon …

Read More »

Sistema ng NAPOCOR, Paurong – HATAMAN

Electricity Brownout

Dahil sa paulit-ulit na brownout sa Basilan at sa iba pang maliliit na isla sa bansa, minarapat ni Deputy Minority Leader and Basilan Rep. Mujiv Hataman na paimbestigahan ang National Power Corporation Small Power Utility Group (NPC-SPUG) na nangangasiwa dito. Ayon kay Hataman, napapanahon ng isisain ang ahensya kasunod ng abiso nitong hihina ang kuryente sa mga lugar na sineserbisyuhan …

Read More »

Pagbati kay Brownlee ipinaabot ng Speaker

Martin Romualdez Justin Brownlee

IPINAABOT ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbati sa basketball player na si Justin Brownlee ng Barangay Ginebra. Si Brownlee ay isang resident import ng Barangay Ginebra na nag-apply ng Filipino citizenship.  Naging ganap na Pinoy si Brownlee matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang  Republic Act (RA) No. 11937.                Ang House Bill (HB) No. 6224 …

Read More »

Bangayan sa AFP ikinabahala sa Kamara

010923 Hataw Frontpage

ni GERRY BALDO NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang isang militanteng kongresista matapos umalingawngaw ang ‘internal squabbling’ sa hanay ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon kay House Deputy Minority leader France Castro, nakababahala ang mga napababalitang gaya nito. “Nakababahala ang ganitong mga sinasabing ‘squabblings’ sa loob ng AFP dahil kung may ganito ay maaaring magkaroon na naman …

Read More »

Imbestigasyon sa aberya ng NAIA sa komunikasyon ng air trafik iginiit ng solon

NAIA plane flight cancelled

MARIING iginigiit ni Rep. Florida Robes ng San Jose Del Monte City ang imbestigasyon sa naganap na aberya sa komunikasyon sa air trafik ng Manila Internal Airport Authority (MIAA) na nagdulot ng peligro sa 282 flights at abala sa 65,000 pasahero nitong unang araw ng 2023, 1 Enero. Ayon kay Robes, chairman ng House Committee on Good Government, nararapat maimbestigahan …

Read More »

Kahit maraming diskontento, investment fund suportado
KAMARA KAKAMPI NG ‘MAHARLIKA’

121522 Hataw Frontpage

ni Gerry Baldo HABANG umaani ng batikos ang Maharlika Investment Fund sa labas ng Kamara de Representantes , sinabi ni House Speaker Martin G. Romualdez, suportado ito ng karamihan ng mga kongresista. Ayon kay Romualdez “multi-partisan” ang suporta para sa kontrobersiyal na panukalang isinusulong ng administrasyong Marcos. Sa press briefing sa Belgium kasama ang media mula sa bansa, sinabi ng …

Read More »

Kahit hindi kunin ang pondo sa SSS at GSIS
MAHARLIKA WEALTH FUND BEHIKULO NG KORUPSIYON — GABRIELA PARTYLIST REP

Money Bagman

HINDI pinalusot ni Gabriela Rep. Arlene Brosas ang tangkang pagsalba sa kontrobersiyal na Maharlika Wealth Fund sa pamamagitan ng pagtatanggal ng pondo ng Social Security System (SSS) at ng Government Service Insurance System (GSIS) bilang source funds na gagamitin sa Maharlika Wealth Fund. Ayon kay Brosas ang MWF ay magiging balon ng korupsiyon, pondohan man ng SSS at ng GSIS. …

Read More »

Panukalang batas para sa 2nd phase ng CARP, inihain sa Kongreso

Farmer bukid Agri

NAGHAIN ng isang panukalang batas si Bataan 1st district Rep. Geraldine Roman na layong makompleto ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), at magkaroon ng second phase na magbibigay ng subsidiya sa pagkuha at pamamahagi ng mga lupang sakahan sa mga benepisaryo nito. Sa House Bill 223, sinabi ni Roman, habang malinaw sa Saligang Batas ang mandato sa repormang agraryo, hindi …

Read More »

MWF hindi na bago – GMA
Makabayan tutol sa panukala

Money Bagman

HINDI na bago ang pagbuo ng isang sovereign wealth fund kagaya ng Maharlika Wealth Fund dahil ginagawa ito sa ibang bansa, ayon kay dating Pangulo Gloria Macapagal -Arroyo. Si Arroyo, kinatawan ng Pangalawang Distrito ng Pampanga, ay naglabas ng liham na sumusuporta sa panukalang magbubuo ng Maharlika Wealth Fund mula sa pondo ng Social Security System (SSS) at GSIS na …

Read More »

Pondo ng NTF-ELCAC ilipat sa serbisyo publiko — Makabayan

NTF-ELCAC

NANAWAGAN ang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tapyasan ang P10 milyong pondo ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ilaan ito sa ibang kapakipakinabang na serbisyo para sa bayan. Ayon kay Gabriela party-list Rep Arlene Brosas, isang malaking kasalanan sa taong bayan ang bantang pag-restore ng budget ng NTF-ELCAC. “Sa rami ng …

Read More »

 “Caregivers Welfare Act” pasado sa Kamara

congress kamara

SA BOTONG 271, inaprobahan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 227 o ang Caregivers Welfare Act na akda ni Bataan 1st District Representative Geraldine B. Roman. Ikinagalak ni Roman ang agarang pag-aproba sa panukalang para sa proteksiyon at kapakanan ng caregivers sa pagtupad sa kanilang tungkulin. Kinikilala rin niya ang mahalagang papel na ginagampanan ng caregivers …

Read More »

Para sa informal settlers sa NCR
IN-CITY RESETTLEMENT APROBADO SA KAMARA

Metro Manila NCR

KUNG noon ang mga binansagang squatters (Informal settlers) ay itinatapon sa mga lugar na walang tubig, koryente at trabaho, ngayon ay magkakaroon sila ng pag-asang manatili sa bayan na kinatitirikan ng kanilang bahay. Ayon kay TINGOG Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez, inaprobahan na ang House Bill (HB) No. 5, na nag-uutos sa pamahalaan na ang relokasyon ng informal settlers …

Read More »