Thursday , June 4 2026
Miro Quimbo Bojie Dy

Liderato ng Kamara pabor more power kay PBBM vs pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

ni Gerry Baldo

NAGPAHAYAG ng suporta si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na protektahan ang mga mamamayan laban sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ayon kay Speaker Dy, kung lalampas sa 80 dolyar kada bariles ang presyo ng Dubai crude, tiyak na mararamdaman ito ng publiko—lalo sa pasahe, presyo ng pagkain, at iba pang pangunahing bilihin.

Dahil dito, sinabi niyang bukas ang Kamara na makipag-ugnayan sa Senado upang pag-aralan at, kung kinakailangan, amyendahan ang umiiral na batas patungkol sa isyu ng petrolyo.

Layunin nitong mabigyan ang Pangulo ng sapat na kapangyarihan upang maibaba ang excise tax sa mga panahong may matinding pagtaas ng presyo ng langis.

“Kung lalampas sa 80 dolyar kada bariles ang presyo ng Dubai crude, malinaw na mararamdaman ito ng ating mga kababayan—sa pasahe, sa presyo ng pagkain, at sa iba pang pangunahing bilihin,” ayon kay Dy.

Suportado rin ng Speaker ang panawagan na magsagawa ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan ng konkretong hakbang para makatipid sa koryente. Aniya, sa gitna ng kawalang-katiyakan sa Middle East, mahalagang mag-ambag ang lahat sa energy conservation efforts, kabilang ang Kongreso.

Binigyang-diin ni Speaker Dy, sa gitna ng mga hamon, kailangang kumilos ang pamahalaan nang may malasakit, pananagutan, at kahandaan—at handa ang Kamara na gampanan ang tungkulin nito para sa kapakanan ng mamamayan.

“Kaya bukas ang Kamara na makipag-ugnayan sa Senado upang pag-aralan at, kung kinakailangan, amyendahan ang batas upang mabigyan ang Pangulo ng sapat na kapangyarihan na maibaba ang excise tax sa mga panahong may matinding pagtaas sa presyo ng langis,” anang speaker.

“Kasabay nito, suportado rin natin ang panawagan na ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan ay magsagawa ng mga konkretong hakbang upang makatipid sa paggamit ng koryente. With the uncertainty in the Middle East, everyone must contribute to energy conservation efforts. Kasama po ang Kongreso dito,” aniya.

Sa panig ni Committee on Ways and Means Chairman Miro Quimbo kailangan suspendihin ang pagkolekta ng  excise tax sa produktong petrolyo sa gitna ng malawakang tensiyon sa Gitnang Silangan at ang napipintong pagtaas ng pandaigdigang presyo ng krudo.

“I support calls to promptly suspend excise tax on fuel to protect our consumers amid escalating tensions in the Middle East and the strong possibility of rising global crude oil prices,” ani Quimbo.

Ayon kay Quimbo kinakailangan bigyan ng Kongreso ang Pangulo ng kapangyarihan upang itigil ang pangongolekta ng excise tax sa petrolyo.

“Therefore, Congress must immediately pass a measure authorizing the President to suspend the excise tax on fuel during extraordinary circumstances, subject to clear and measurable triggers,” saad ni Quimbo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …