Tuesday , June 23 2026
Terry Ridon Sara Duterte

Sa isyu ng confidential funds
RIDON BINALIKTAD REKLAMO NG KAMPO NI VP SARA UKOL SA DUE PROCESS
COA Ruling klinaro, pagsasauli ng pera personal na pananagutan

ni Gerry Baldo

MARIING pinabulaanan ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry L. Ridon, miyembro ng House Committee on Justice, ang pahayag ng kampo ni Bise Presidente Sara Z. Duterte na tinanggalan sila ng due process sa isyu ng confidential funds matapos maglabas ng disallowance ang Commission on Audit (COA).

Ayon kay Ridon, hindi kapani-paniwala ang pag-angkin na ito dahil ang proseso mismo ng audit ay nagbigay ng maraming pagkakataon sa Office of the Vice President (OVP) at mga opisyal nito na sumagot.

“Hindi totoo na walang due process na nangyari. May pagkakataon silang sumagot, at hindi naman ito nangyari nang isang beses lamang. Dumaan iyan sa audit observation memo at notice of disallowance, kaya malinaw na may proseso bago sila umabot sa puntong ito,” pagtutol ni Ridon.

Aniya, ang talaan mismo ng COA ang sumasagot sa isyu ng due process, kaya mahirap para sa kampo ng Bise Presidente na panindigan ang paratang na nagmadali o naging arbitraryo ang ahensiya.

“As stated in the decision itself, sila ay binigyan ng oras para sumagot. Kaya mahirap sabihin ngayon na they were deprived of due process, dahil ang oportunidad na sumagot ay nariyan na,” dagdag pa niya.

Idiniin ni Ridon na ang tunay na problema ay hindi ang kawalan ng proseso, kundi ang pagkabigo ng mga kinauukulang opisyal na maipaliwanag ang paggamit ng confidential funds sa pamamagitan ng kinakailangang dokumentasyon.

“Ang tunay na isyu rito ay hindi ang kawalan ng proseso. Ang problema, hindi nila naipakita nang sapat ang mga report at supporting documents para maipaliwanag ang paggamit ng confidential funds,” diin ni Ridon.

Binigyang-diin din ng kongresista na kapag naging pinal na ang desisyon ng COA, hindi na ito usapin ng opisina lamang, kundi personal na pananagutan ng mga opisyal na pinangalanan sa disallowance.

“Kapag naging final na ang finding ng COA, hindi na ito usapin ng opisina lamang. May personal na pananagutan na ang mga pinangalanan sa disallowance,” paliwanag niya.

Paglilinaw pa niya, hindi ang OVP bilang isang institusyon ang inuutusang magsauli ng pondo, kundi ang mga personalidad na tinukoy ng COA na may obligasyon na magbalik ng pondo.

“Hindi ang OVP ang pinagsasauli ng pera—ang mga personalidad na tinukoy ng COA ang may obligasyon na magsauli,” pagtatapos niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …