Wednesday , June 17 2026
Albee Benitez Autism ASD

Autism Law isinusulong ni Albee
LIBRENG THERAPY SESSIONS PARA SA MGA DUMARANAS NG ASD

ni Gerry Baldo

PATULOY na tinututukan ni Deputy Speaker Alfredo “Albee” Benitez ang pagpasa ng House Bill 3379 o ang “An Act Instituting a Comprehensive National Autism Spectrum Disorder (ASD) Program.”

Layunin ng panukalang batas na obligahin ang pamahalaan na magbigay ng libreng therapy sessions para sa mga taong may autism sa mga pampublikong ospital at maging sa mga pribadong klinika.

Sa isang pahayag na inilahad sa harap ng Committee on Health, ipinahayag ni Benitez ang kaniyang pag-aalala sa mga hamong kinahaharap ng mga pamilyang Filipino na may anak na nasa Autism Spectrum.

“Apektado ng Autism Spectrum Disorder (ASD) ang halos 1.2 milyong Filipino at kanilang mga pamilya.

Gayunman, marami pa rin ang nahaharap sa kakulangan sa access sa maagang diagnosis, maagang interbensiyon, inklusibong edukasyon, makabuluhang trabaho, at suporta mula sa komunidad.

Nililimitahan ng mga kakulangang ito hindi lamang ang kanilang potensiyal kundi pati na rin ang kanilang pagkakataong lubos na makilahok sa lipunan,” ayon kay Benitez.

Ayon kay Benitez, bigo ang pamahalaan na sapat na masuportahan ang mga Pinoy na may autism at ang kanilang mga pamilya.

Binanggit niya ang kakulangan ng suporta ng gobyerno pagdating sa occupational at speech therapies.

“Dahil dito, maraming magulang ang walang ibang mapagpipilian kundi ang kumuha ng mamahaling serbisyo mula sa mga pribadong therapy center o mas masahol pa, tuluyang hindi na maipagamot ang kanilang mga anak,” dagdag niya.

Kabilang din sa mga probisyon ng HB 3379 ang libreng developmental assessment, home empowerment programs, buwanang ayuda para sa mga pamilya ng persons on the spectrum, dagdag na leave benefits para sa mga magulang ng batang may autism, inklusibong edukasyon, at pantay na oportunidad sa trabaho.

“Nagsisimula ang inklusyon kapag pinili ng pamahalaan na makita ang bawat Filipino. Tulad ng ibang tao, bawat indibiduwal na nasa spectrum ay karapat-dapat sa suporta, dignidad, at oportunidad,” ani Benitez. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

PSC Pato Gregorio ICTSI Athletics Championships

Gregorio, pinuri ang matagumpay na ICTSI Athletics Championships; suportado ang Korea-PATAFA partnership

NEW CLARK CITY — Tinapos ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio ang ICTSI …

Goitia Gibo Teodoro

Goitia kinondena ang panggigipit ng Tsina kay Teodoro, nagbabala sa unti-unting panghihimasok sa Bajo de Masinloc

MARIING kinondena ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pagpapataw ng sanksyon ng Tsina …

Korea vs Chinese Taipei AVC Womens Cup

Korea, nasungkit ang ginto sa AVC Women’s Cup matapos walisin ang Chinese Taipei

CITY OF CANDON — Tinapos ng Korea ang kanilang dominanteng kampanya sa Asian Volleyball Confederation …

Hussein Loraña Sydney Joshua Yap Artjoy Torregosa sa ICTSI Philippine Athletics Championships

Wagdos, Torregosa, Ubas, Yap nag-ambag ng ginto sa New Clark City
Loraña, KG Mercuries nanguna sa penultimate day ng ICTSI PH Athletic Championships

CAPAS, Tarlac — Muntik nang maitala ni Hussein Loraña ang bagong pambansang rekord matapos pagharian …

Leonard Grospe Lauren Hoffman Gabe Borado ICTSI Philippine Athletic Championships

Hoffman, iba pang PH Athletes nanaig sa ibat-ibang kompetisyon
Grospe muling bumasag ng pambansang rekord, lumundag ng 2.23m sa ICTSI Athletics Championships

CAPAS, TARLAC — Lumundag si high jumper Leonard Grospe ng bagong pambansang rekord na 2.23 …