Wednesday , June 17 2026
ABCVIP Alliance

ABCVIP Alliance naghatid ng mahigit ₱1.5-M tulong sa mahigit 3,000 lindol victims sa Sarangani

MAHIGIT ₱1.5 milyong halaga ng relief assistance ang naipamahagi ng ABCVIP Alliance, katuwang ang mga online gaming brands na ABC8, J8, PH8, U888, AP777, AQ777, SH777, at 777SH, sa mahigit 3,000 pamilya at indibidwal na naapektuhan ng malakas na lindol sa Sarangani.

Kabilang sa mga nabigyan ng tulong ang mga residente ng Barangay Batulaki, isa sa mga pinakamalayo at pinakamahirap marating na lugar sa bayan ng Glan. Ayon sa mga lokal na opisyal at residente, ang ABCVIP Alliance ang isa sa mga pinakaunang grupo at kauna-unahang online casino alliance na personal na nagtungo sa lugar para maghatid ng agarang ayuda.

Hindi naging madali ang misyon ng grupo. Mula Metro Manila, bumiyahe ang mga volunteer patungong Mindanao dala ang libo-libong relief goods. Dahil sa limitadong biyahe patungong General Santos City, dumaan pa sila sa Davao City bago bumiyahe ng ilang oras patungong Sarangani.

Mas naging mahirap ang pagpunta sa Barangay Batulaki dahil sa mga landslide, nasirang kalsada, tulay, at matinding trapiko dulot ng lindol. Sa ilang bahagi ng ruta, kinailangan pang tambakan ang mga ilog upang makagawa ng pansamantalang daanan para lamang makatawid ang mga sasakyang may dalang relief goods.

Sa kabila ng mga hamon, matagumpay na naihatid ng grupo ang mga relief pack na naglalaman ng bigas, pagkain, inuming tubig, at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang pansamantalang naninirahan sa evacuation centers at tent communities.

Bago ang pamamahagi ng ayuda, nagsagawa rin ng relief packing operations ang ABCVIP Alliance sa Barangay Diamond Calumpang, na nakiisa ang mga residente sa paghahanda ng libo-libong relief packs bilang pagpapakita ng diwa ng bayanihan.

Ayon sa mga organizer, higit pa sa relief goods ang layunin ng kanilang misyon. Hangad nilang maiparating sa bawat pamilyang naapektuhan ng sakuna na hindi sila nag-iisa at may mga taong handang tumulong sa kanilang pagbangon.

Nagpasalamat naman ang ABCVIP Alliance sa kanilang mga volunteer, sponsors, donors, partners, at supporters na naging bahagi ng matagumpay na relief mission, habang tiniyak nilang ipagpapatuloy ang kanilang mga programa upang makatulong sa mas marami pang komunidad na nangangailangan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Divine Villareal Doc Larry

Divine Villareal, thankful mapasali sa isang health advocacy show

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG sexy actress na si Divine Villareal ay gumaganap na isang …

Charo Santos Vince Maristela

Charo may pa-acting challenge kay Vince Maristela

I-FLEXni Jun Nardo NAGKITA na sina Charo Santos at Vince Maristela sa nakaraang fashion ball. Naging trending si Vince …

Heart Evangelista

Heart tinaguriang Sabado Queen 

I-FLEXni Jun Nardo BINABANSAGANG Sabado Queen ngayon  ang global fashion icon na si Heart Evangelista! Aba, …

Sheryl Cruz

Sheryl abala sa negosyo, showbiz project kabi-kabila

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG happy si Sheryl Cruz dahil hindi siya nawawalan ng mga proyekto …

Sue Ramirez

Sue umaasang maibabalik maayos na kondisyon ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAGING emosyonal si Sue Ramirez nang mapag-usapan ang tungkol sa health condition …