Wednesday , June 17 2026
Yasmin Alba

Sexy actress na si Yasmin Alba, magpapasiklab sa Viva Café

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SiYasmin Alba ay newbie sa larangan ng showbiz. Unang mabibistahan ang kanyang talento at taglay na alindog sa show ni Angeli Khang sa Viva Café sa June 24.

Alaga ni Jojo Veloso si Yasmin, siya’y 22 years old from Mabalacat, Pampanga at pangarap aniya na talagang maging artista noon pa.

Sasabak din ba siya sa sexy movies? “Yes po, gagawa rin ako ng movie, coming soon po, abangan na lang po ninyo.”

Aniya pa, “Yes po, since bata pa lang po ay pangarap ko nang maging artista, pero hindi ko po alam kung paano. Then, habang nagkaka-age po ako, puro post ako sa social media na mga pa-sexy, naka-bikini at lingerie, ganoon po. Kaya naisip kong, why not pasukin ko ang pagpapa-sexy sa Vivamax?”

Ano ang dapat asahan sa kanilang show?

“Live show po naming performance na lima, here po sa Viva Café. Mga sexy po ang costume namin dito, basta pasabog po, may kanta at sayaw. I can sing and dance lang po, pero not totally as a performer… actually it’s my first time performing on stage po.”

Kinakabahan ba siya? “May kaunting pressure lang po, pero kayang-kaya ko po ito,” nakangiting sambit pa niya.

Ayon kay Yasmin, bago siya nag-showbiz ay isa siyang content creator.

Kuwento niya, “Content creator po ako ng mga videos sa Instagram and Facebook, but unfortunately ‘yung Facebook ko po ay na-disable. Siguro po dahil sa mga content at sa music.” (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ryza Mae Dizon

Ryzza Mae nag-birthday sa Hongkong

MATABILni John Fontanilla LUMIPAD patungong Hongkong ang actress at Eat Bulaga host na si Ryza Mae Dizon para i-celebrate …

Sofia Pablo

Sofia Pablo may alinlangan bago sumali sa PBB

RATED Rni Rommel Gonzales NAGDALAWANG-ISIP pala si Sofia Pablo na sumali dati sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab …

Dennis Trillo Calix Ho

Dennis sobra ang pasalamat anak na naaksidente maayos at mabuti na ang kalagayan

RATED Rni Rommel Gonzales MAKALIPAS ang isang buwan mula noong maaksidente si Calix ay ibinahagi ni Dennis Trillo na …

Reina Castillo

Reina Castillo, sumabak bilang sexy content creator

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUMUSUBOK ngayon si Reina Castillo para maging isang full-time  content creator. Ayon sa …

Divine Villareal Doc Larry

Divine Villareal, thankful mapasali sa isang health advocacy show

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG sexy actress na si Divine Villareal ay gumaganap na isang …