Wednesday , June 17 2026
Charo Cordial Kris Lawrence Katrina Halili Katie

Kris sinagot balikan nila ni Katrina 

NAGIGING palagay ang loob ng bawat celebrity na naitatampok ng Maddox Jewelry owner na si Charo Cordial sa kanyang vlog.

Ang latest celeb na naging panauhin ni Madame Charo ay ang singer-songwriter na si Kris Lawrence na laman ng balita ngayon dahil sa mabuting relasyon sa dating partner na si Katrina Halili na may isa silang anak na si Katie.

Siyempre, ang tanong ng marami eh kung may chance pa bang magkabalikan sina Kris at Katrina. Walang direktang sagot si Kris tungkol sa balikan.

Pero maayos ang samahan nila at walang pressure. 

“Gusto ko ‘yung ganitong flow. No pressure. Just go with the flow,” saad ni Kris.

Ang maganda nilang samahan ni Katrina eh maganda rin ang epekto sa anak nila na may mild case ng Autism Spectrum Disorder.

“Super improving si Katie. She’s very sharp,” sambit ng singer.

Marami pa kayong malalaman kay Kris at kung paano siyang hindi tumigil sa audition bago manalo sa Star In A Million.

Eh kahit lumaki sa America, amindo si Kris na hindi sila mayaman at marami siyang pinasok na trabaho to survive.

At pagdating sa alahas, ang pinaka-favorite niya ang diamond bracelet na kanyang pinahahalagahan.

Learn  more about Kris sa vlog Madame Charo sa official Facebook, Tiktok, at You Tube pages ng naturang jewelry store.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Reina Castillo

Reina Castillo, sumabak bilang sexy content creator

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUMUSUBOK ngayon si Reina Castillo para maging isang full-time  content creator. Ayon sa …

Divine Villareal Doc Larry

Divine Villareal, thankful mapasali sa isang health advocacy show

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG sexy actress na si Divine Villareal ay gumaganap na isang …

Charo Santos Vince Maristela

Charo may pa-acting challenge kay Vince Maristela

I-FLEXni Jun Nardo NAGKITA na sina Charo Santos at Vince Maristela sa nakaraang fashion ball. Naging trending si Vince …

Heart Evangelista

Heart tinaguriang Sabado Queen 

I-FLEXni Jun Nardo BINABANSAGANG Sabado Queen ngayon  ang global fashion icon na si Heart Evangelista! Aba, …

Sheryl Cruz

Sheryl abala sa negosyo, showbiz project kabi-kabila

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG happy si Sheryl Cruz dahil hindi siya nawawalan ng mga proyekto …