Monday , June 15 2026
Sue Ramirez Rico Blanco Project Baby

Rico natural umarte, kilig kay Sue bigay todo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PAK na pak at hindi mahirap bagayan nina Sue Ramirez at Rico Blanco ang isa’t isa. Kumbaga kusang lumabas ang chemistry at talagang kikiligin tiyak kapag napanood ninyo ang Project Baby na pinagbibidahan nilang dalawa na palabas na sa mga sinehan sa kasalukuyan.

Super na-enjoy nga namin ang panonood ng Project Baby na handog ng Regal Entertainment na ayon nga sa direktor nilang si Eric Quizon  for fun talaga ang ginawa nilang pelikula.

Bukod pa sa may informative rin nga ang tema ng movie if ever napasok sa ganoong sitwasyon, ang gustong magkaanak kahit walang asawa.

Umiikot ang kuwento kay Sue na ginagampanan ang karakter ni Sandy, isang 30 taong gulang na independent at successful na ang gusto lamang ay magkaanak at ayaw magkaroon ng asawa

Si Migo si Rico na siyang tutulong kay Sue para maisakatuparan ang kanyang “Project Baby” na siyempre hindi madali para sa kanila dahil sa mga twist and turns sa istorya.

First time nagkasama sina Sue at Rico pero parang natural ang kilig sa dalawa. Hindi hard sell kahit pa alam naman nating may boyfriend sa tunay na buhay ang aktres na sumuporta at kasamang nanood ng premier night na ginanap sa Eastwood Cinema kamakailan.

Nakabibilib si Rico na matapos gumanap bilang isang tiwaling pulis sa Manila’s Finest na napanood noon sa Metro Manila Film Festival 2025, ngayon pa-sweet at nagpapatawa naman ang role na tiyak mamahalin at lalong hahangaan.

Si Sue naman ay given na ang pagiging magaling na aktres. Swak sa kanya ang role bilang Sandy at talagang napatunayan niya ang pagiging versatility dahil nagawa niyang magpatawa, magpakilig, at magpaiyak sa “

Project Baby.

Napaka-natural ni Rico umarte bilang Migo. Cool na cool kumbaga.

Kung may paborito kaming eksena sa Project Baby ito iyong kailangang mag-sex para makabuo ng baby sina Sue at Rico. Hindi bulgar ang eksena nakatatawa pa.

Sabi nga ni Rico talagang kinabahan siya. “Pero, nag-enjoy na lang kami, kasi ni-look forward din namin ang scene na ‘yun. At saka,  inalalayan kami ni Direk Eric.

May iba akong idea, may ibang idea si Sue, gayundin si Direk Eric. Pero ginawa nga ni Direk na sobrang fun lang. Nakita niyo naman po, sobrang nakatutuwa,” wika ni Rico na siyang tunay.

Kung ano iyon, watch na lang ninyo at ‘wag kayong pipikit dahil cute at maganda ang tagpong iyon.

Hindi naman ikinagulat ni Sue na magaling umarte si Rico dahil napanood na niya itong umarte.

Napapanood ko na siya sa TV talaga. So hindi bago sa akin at hindi ako nagulat na umaarte pala siya. 

“Alam ko na umaarte talaga siya. Pero never ko naisip sa buong buhay ko na sa filmography ko, na ma-imagine ko na I will be working with him in a romcom project. As in never, never in my wildest dreams!

But ‘yun nga, God works in mysterious ways. Ginugulat niya tayo sa mga paraan na makatutulong sa pagkatao natin. 

“Noong nakilala ko si Rico, lagi natin siyang inilalagay sa pedestal because he’s a musical legend. He’s an icon. But nakita ko ‘yung totoong Rico,” nakangiting turing ni Sue.

Kasama rin sa Project Baby sina Matt Lozano, Arra San Agustin, Yasser Marta, Alex Calleja, Kimson Tan, Christian Ty, Charuth, Drei Arias, Jonathan Perez, Jazzil Sarinas, at Alice Dixson.

Manood na ng Project Baby kung gusto ninyong tumawa at maaliw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gary V  Rene Baterbonia Divine Adili

Gary Valenciano nakiramay sa 2 Ateneo athletes

MATABILni John Fontanilla ISA si Gary Valenciano sa nagluluksa sa pagkamatay ng dalawang Ateneo de Manila University …

Sue Ramirez Rico Blanco Project Baby

Sue at Rico pak na pak sa Project Baby

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD na namin ang pelikulang Project Baby na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at Rico Blanco, …

Shalanie de Vera Latina Athena Red

VMX star Shalanie de Vera mahilig makipag-usap sa strangers

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWA na namang siguradong aabangan ng mga suki ng VMX ang inihahatag ng Viva. …

Jenn Rosa Helena

Jenn Rosa nag-aral kaya nawala sa VMX

I-FLEXni Jun Nardo ALMOST one year palang natigil sa paggawa ng VMX movies ang sexy star na …

Matteo Guidicelli TV5

Matteo Guidicelli bahagi na ng TV5

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang magiging bahagi ng TV5 si Matteo Guidicelli matapos palitan bilang anchor sa Bilyonaryo News Channel. …