SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
LALONG umigting ang pagkasabik sa OPM Con Generations ng Puregold noong Hunyo 12, nang sumugod ang mga kalahok na tindahan sa napakaraming tagahanga sa unang araw ng pagbebenta ng tiket.
Nakatakda sa Hulyo 12 sa Smart Araneta Coliseum, isang kaabang-abang na selebrasyong pangmusika ang OPM Con Generations. Sa ikatlong taon ng taunang konsiyerto, itatampok ang SB19, Ben&Ben, at Alamat. Kasama rin sina Flow G, Skusta Clee, Sunkissed Lola, G22, KAIA, at Xona na pinagsama-samang iba-ibang talento at genre na kasalukuyang humuhubog sa lokal na industriya ng musika sa Pilipinas.
Kabilang ang mga sumusunod na lugar na mayroong mga tindahan ng Puregold na kalahok sa ticket redemption: Taytay, Rizal; Biñan, Laguna; Anabu-Imus, Cavite; Valenzuela; QI Central, QC; Cubao, QC; Fairview Terraces, QC; Tayuman, Manila; Parañaque; Kalentong, Manila; Cainta, Rizal; at San Pedro, Laguna.
Isa sa mga kauna-unahang nakakuha ng tiket si Beverly Jane, isang A’TIN na nagkampo sa Puregold QI Central kasama ang mga kapareho niyang tagahanga, isang gabi bago ang pagbubukas ng ticket redemption.
“Super excited na for the concert kasi pinila talaga namin ito. Nandito na kami since 7 last night,”pagbabahagi niya.
Sa kabila ng mahabang paghihintay, nabanggit niyang inalagaan ang mga dumalo–binigyan ng pagkain, inumin, at maayos na espasyo na puwedeng maghintay ang mga nakapila.
Nagpasalamat din si Berveley sa suporta ng Puregold sa musikang Pinoy. “Thank you so much sa Puregold dahil malaking platform ito para sa OPM at sobrang supportive nito hindi lang sa SB19 kundi sa buong P-pop community.”
Ipinakita ng unang araw ng pagbebenta ng tiket ang suporta rin ng mga Filipino sa OPM Con Generations. Mula sa iba’t ibang henerasyon ang mga tagahanga, na nahikayat ng lineupng OPM Con, na pasok sa malawak na mga hilig at kasaysayan bilang music fans. Sa pagdaan ng taon, naging plataporma na ang OPM Con sa pagsasama-sama ng mga talento, tagapanood, at mga fandom, bilang pagdiriwang ng talento ng mga Filipino at mga komunidad na nabuo dahil dito.
Sa edad na 62, ipinagmamalaki ni Suzette Santiago ang pagiging fanng SB19. Isang masugid na tagasuporta ng grupo mula pa noong 2024, ibinahagi niya na ang pagiging fangirlsa grupong P-pop at pagdalo sa mga selebrasyon ay malaking tulong sa pagpaparamdam sa kanya ng sigla ng kabataan.
“Whenever I listen to their music, may message talaga, and that’s what draws me to them,” sabi niya. “It’s so nice that Puregold is doing this because it’s really encouraging to see our OPM music and industry continue to rise. Hopefully tuloy-tuloy lang because I really enjoy going to these events.”
Samantala, nagpapasalamat din si Arnel Lamber, na pumunta rin noong gabi bago ang bilihan upang maagang makapila, sa mga ganitong inisyatiba na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tagasuporta na makita ang kanilang mga hinahangaan. Bukod sa kanyang mga napamiling groseri, nakakuha rin siya ng tiket sa OPM Con Generations, at sabik na siyang dumalo sa selebrasyon.
“Thankful ako sa Puregold kasi nakaka-experience kami ng ganito. Kahit puyat, okay lang kasi masaya naman,” aniya.
Nagpasalamat ang Puregold sa mga dumalo sa unang araw ng ticket redemption. “Lubos kaming natutuwa sa nakita naming tugon,” pahayag ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club Inc..
“Nakatutuwang makita ang napakaraming kustomer na hindi lamang sabik sa magiging concert, kung hindi masayang maging bahagi ng karanasan sa pamamagitan ng Puregold. Malugod naming tinatanggap ang mas marami pang dadalo sa concert sa pagpapatuloy ng ticket-selling.”
Para sa maraming kustomer, ang pagkakataong makakuha ng inaabangang concert tickets kasama ng mga napamili sa Puregold ay lalo pang nagpapayaman ng kanilang karanasan. Habang papalapit na ang pagdiriwang, lalo pang tumitindi ang pag-aabang sa ipinapangakong hindi-malilimutang gabi ng musikang Pinoy.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com