RATED R
ni Rommel Gonzales
HINDI lang pam-Pilipinas, pang-international din ang datingan ng male Sparkle artist na si Vince Maristela.
Isa si Vince sa mga kasali sa isang Korean reality dating show sa Thailand, ang Rak Rak – Sense of Love.
Nag-guest kasi si Vince recently sa It’s Showtime at nang kumustahin ni Vice Ganda ang kanyang showbiz career ay naikuwento ng una ang tungkol sa kanyang partisipasyon sa Thai show bagamat hindi pa siya puwedeng magdetalye.
That time kasi ay hindi pa umeere ang finale ng eight-episode series sa streaming service na Viu.
Ang Rak Rak – Sense of Love ay isang dating reality show na inaalam ang isang simpleng tanong: ‘Paano magsisimula ang pagmamahal nang wala kang alam tungkol sa iyong partner-to-be?’
Eight participants o “Sense Mates” ang maghahanap ng kanilang makakapareha na ang tanging alam lang ay pangalan ng isa’t isa at wala ng iba pa.
Bawat araw ay mamimili ng isang taong makaka-match nila sa pamamagitan lang ng kanilang five senses na sight, touch, hearing, smell, o taste.
Isang matched couple lang ang mabibigyan ng pagkakataon na manatili sa isla overnight na ginawa ang show habang ang iba naman ay mapipilitang umalis.
Goal ng show na ipakita kung paano maaaring magkaroon ng attraction ang dalawang tao sa pamamagitan lamang ng intuition at hindi logic.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com