Wednesday , June 17 2026
Cita Astals Vandolph Quizon

Vandolph tiniyak suporta kay Cita Astals

RATED R
ni Rommel Gonzales

SINABI ni Vandolph Quizon na hanggang ngayon ay pamilya ang turingan nila ng buong cast ng kanilang sitcom na Home Along Da Riles na umere noong 1992 hanggang 2003.

Siyempre, kasama sa kanilang “pamilya” sa sitcom ang beteranang aktres na si Cita Astals.

Nagkuwento si Vandolph sa guesting niya sa Kay Susan Tayo vlogs ng veteran journalist na si Susan Enriquez.

“Alam mo tita, si Tita Cita, lagi kaming nandiyan for her. Noong nag-start ito ever since, isinama namin siya. 

“Kasi alam namin ‘yung pinagdaraanan niya. 

“Eh pamilya rin si Tita Cita. So hangga’t paano, nandiyan kami for her. So lahat ng ginagawa namin, isinasama namin siya.”

May film version na ang kanilang sitcom, ang Home Along Da Riles: Da Reunion na palabas sa mga sinehan ngayong June 17.

Pagpapatuloy pang paglalahad ni Vandolph, mahusay na artista si Cita.

“Alam mo si Tita Cita, ang galing umarte!

“At saka napakatalinong tao. She just needs someone to talk to. And we are here, the Cosme family, the ‘Home Along Da Riles’ family, is always here for her.

“At dala namin siya kahit saan kami magpunta,” bulalas pa ni Vandolph.

Sa direksiyon ni Boy2 Quizon, nasa pelikula rin sina Claudine Barretto, Smokey Manaloto, at Nova Villa at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ryza Mae Dizon

Ryzza Mae nag-birthday sa Hongkong

MATABILni John Fontanilla LUMIPAD patungong Hongkong ang actress at Eat Bulaga host na si Ryza Mae Dizon para i-celebrate …

Sofia Pablo

Sofia Pablo may alinlangan bago sumali sa PBB

RATED Rni Rommel Gonzales NAGDALAWANG-ISIP pala si Sofia Pablo na sumali dati sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab …

Dennis Trillo Calix Ho

Dennis sobra ang pasalamat anak na naaksidente maayos at mabuti na ang kalagayan

RATED Rni Rommel Gonzales MAKALIPAS ang isang buwan mula noong maaksidente si Calix ay ibinahagi ni Dennis Trillo na …

Reina Castillo

Reina Castillo, sumabak bilang sexy content creator

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUMUSUBOK ngayon si Reina Castillo para maging isang full-time  content creator. Ayon sa …

Divine Villareal Doc Larry

Divine Villareal, thankful mapasali sa isang health advocacy show

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG sexy actress na si Divine Villareal ay gumaganap na isang …