MATABIL
ni John Fontanilla
ISA sa aabangan sa reunion concert ng Metropop winners via Stars Reignited na hatid ng EV Productions and Events sa Sept. 5 (Saturday), 7:00 p.m. sa Teatrino Promenade Greenhills, San Juan City ang mahusay na singer/actress na si Camille Velasco.
Nagsimula ang showbiz ni Camille nang maging commercial model ito ng Jelly Ace, Eight Oclock noong bata pa siya.
Naging member din ito ng most awarded at longest children show sa bansa, ang Pen Pen De Sarapenni Connie Angeles na napapanood noon sa RPN 9.
Nag-join din ito ng Little Miss Philippines Munting Mutya. At sa edad na 10 ay minanage ito ng yumaong pamosong talent manager na si Tita Angge.
Nakalabas ito sa mga TV show na MMK, Ipaglaban Mo, Alagad, Luv ko si Kris, Calvento File at sa mga pelikulang Kung Sino Pang Minahal, May Pag-ibig Pa Kaya?
At dahil sa husay kumanta ay nakapag-record ito ng mga awitin sa EMCV Record at the age of 14. At nang mag-15 years old ito ay sumali sa GMA Starsearch 14yo/Record Label under EMCV record.
At sa Sept 5 nga ay makakasama ni Camille ang iba pang maituturing na mahuhusay na babaeng mang-aawit sa bansa na galing sa Metropop na sina Roxanne Barcelo, Queen of AsiaNovela Songs Faith Cuneta, Miles Poblete, Anna Katrina Lara, Xaxa Manalo, at Champagne Morales with special guest, Karen Carpenter Cye Soriano.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com