Tuesday , June 23 2026
Albee Benitez Bojie Dy

Speaker Dy, pamunuan ng Kamara pinuri Deputy Speaker Benitez  
MATAAS NA TRUST RATING KREDITO SA TINUPAD NA MANDATO NG KONSTITUSYON

060226 Hataw Frontpage

ni GERRY BALDO

PINURI ni Deputy Speaker at Bacolod Lone District Rep. Alfredo “Albee” Benitez ang pamumuno ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III at ang sama-samang pagsisikap ng mga miyembro at kawani ng House of Representatives sa pagtaas ng tiwala ng publiko sa Kamara, na aniya’y nananatiling nakatuon sa mga reporma at pagtupad sa mga tungkuling itinakda ng Konstitusyon.

Sa kanyang talumpati sa lingguhang flag-raising ceremony sa Kamara noong Lunes, binanggit ni Benitez ang mga resulta ng survey na nagpapakitang nalampasan ng House of Representatives ang Senado sa trust ratings.

“Nais kong isipin ang isang senador na nagsabi na sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan, nalampasan ng trust rating ng Kongreso ang Senado,” ani Benitez.

“Ang sabi ko, pasensiya sila, wala silang Speaker Dy. Hindi lamang dahil sa kaguwapohan ng ating Speaker, kundi dahil na rin sa mga ginagawa niya.”

Ayon kay Benitez, kabilang sa mga nakatulong sa mataas na rating ng Kamara ang pagpasa ng panukalang batas laban sa political dynasty at iba pang mahahalagang hakbang na isinusulong ng liderato ni Speaker Dy.

“Unang-una, ang political dynasty bill na naipasa na natin. Gayundin ang iba pang mga legislative actions na ginagawa ng ating mahal na Speaker. Malaki ang naitulong nito sa mataas nating rating,” dagdag niya.

Ani Benitez, hindi lamang ang liderato ng Kamara ang dapat kilalanin sa pagtaas ng tiwala ng publiko kundi maging ang mga mambabatas, opisyal, empleyado, at kawani na patuloy na naglilingkod para sa institusyon.

“Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng nag-ambag sa mataas na survey ranking na ito,” aniya.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Speaker Dy na ang mga mambabatas sa Kamara ay nananatiling nakatuon sa pagiging produktibo at sa pagsulit sa mga natitirang araw ng sesyon.

“Habang may panahon, patuloy nating ginagawa ang trabaho at mandatong ipinagkatiwala sa atin ng sambayanang Filipino,” pahayag ni Dy.

Mula 25 Mayo hanggang 26 Mayo, inaprobahan ng Kamara ang 36 panukalang batas sa ikatlo at pinal na pagbasa, habang 29 naman ang naipasa sa ikalawang pagbasa.

Bukod sa pagiging produktibo ng Kamara, binanggit ni Benitez ang pagboto ng House of Representatives para sa impeachment ni Vice President Sara Duterte – Carpio bilang patunay na handang gampanan ng mga miyembro nito ang kanilang mga tungkuling konstitusyonal at panagutin ang mga opisyal ng pamahalaan kung kinakailangan.

“Ang pinakamalinaw na patunay nito ay ang 257 bumoto pabor sa impeachment. Napakalaking bilang nito at nagpapadala ng malinaw na mensahe sa buong bansa na tayo ay naghahanap ng katotohanan, tayo ay maka-Filipino, at mahal natin ang ating bansa,” ani Benitez.

Ayon kay Benitez, ipinakita ng napakalaking bilang ng mga bumoto pabor sa impeachment na handang kumilos ang mga miyembro ng Kamara sa mga usaping may pambansang kahalagahan at maghatid ng malinaw na mensahe na nananatiling nakatuon ang institusyon sa katotohanan, pananagutan, at kapakanan ng sambayanang Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …