MATABIL
ni John Fontanilla
PINALAKPAKAN at talagang ikinasiya ng mga taong nagtungo sa concert ni Renz Verano, ang Ibang Iba Ka Na Thriving @30th Anniversary Concert sa Tanghalang Pasigueno, Pasig City noon ng June 20, 2026, hatid ng EBQ Productions.
Ang concert ni Renz ay bilang pagbibigay-pugay sa timeless song ni Renz, ang Ibang Iba Ka Na
na simula nang kinanta nito ito noong 1996 hangang ngayong 2026 ay paborito pa rin ng mga Pinoy.
Bukod sa awiting Ibang Iba Ka na, kinanta rin ni Renz ang ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin katulad ng Remember Me, I Dont Wanna Talk About It atbp..
Nakasama ni Renz sa concert ang mga recording artists ng EBQ Productions sa pangunguna ng uprising Ppop All Female Group na KITTRIX, EBQ MUSIC Scholar, Erwin Factoran Guina, Ivana Itawis, Aerwyna Pearl, John Rey Infante Mendoza, Domss Mission, Nonie Inciong Music, Clarise Acosta Imperial, RayeRaye, Giane Rosales. Gayundin sina Shoogar Bet, Eve Quin Nick Quintua, Joseph V Rivera, Mart Joseph Garcia, Robby Diesta Jr., Kz Custodio, Julius Brian D Salvania, at ang Kantawanan Show.
Kinanta ng ilan sa EBQ recording artista ang Ibang Iba Ka Na ” sa iba’t ibang lenguwahe.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com