Tuesday , June 23 2026
Mister and Miss Lipa 2026

Pambato ng Brgy Sampaguita at Tambo wagi sa Mister & Miss Lipa Tourism 2026

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

KLIMA. Mayamang pamana. Mamamayan ng Lipa. Biyaya. Pagtitiwala. Layunin. Ilan ito sa mga isinaalang-alang sa mga sagot ng mga nagwaging Mister and Miss Lipa Tourism 2026.

Itinanghal na Mister Lipa Tourism 2026 si Johan Miguel Piñ𝗼𝗻 ng Brgy. Sampaguita samantalang Miss Lipa Tourism 2026 naman si Ma Erica Valenzuela ng Brgy. Tambo sa katatapos na MMLT 2026 Grand Coronation Night noong Sabado, June 20 sa Plaza Independencia, Lipa City.

Nahigitan nina Johan at Erica ang kanilang mga katunggali nang maayos nilang nasagot ang Beauty pageant question and answer. Sampung nagguguwapuhan at 10 naggagandahan ang naglaban-laban para sa korona ngayong taon.

Nakatawag pansin ang kaguwapuhan at galing sumagot ni Johan mula sa tanong na,  “Many destinations compete for attention. Why should tourist choose Lipa City and what makes it unique?”

Ang winning answer nito, “First of all what makes Lipa City unique is the cool climate. We are approximately 350 meters elevated, and more likely, the rich heritage. The rich heritage, which is the Casa de Segunda, the former San Benito. And last but not the least, the people. The people are the big part. They welcome tourists and love them and treat them as a family because we all know that Lipenos can be sometimes, mayabang. But despite that, despite that, they are very friendly. They’re just not showing it much, but we all know that they’re very welcoming, and they love us so much. Thank you so much.”

Umani naman ng paghanga kay Erica ang mga nanonood nang masagot niya ng maganda ang, “If crowned tonight, what legacy do you like to leave as Miss Lipa Tourism?”

Anang beauty queen mula Brgy Tambo, “If I will win the title tonight, I will create Barangay Tourism Committee. Because I wanted the youth to experienced what’s in Lipa City by creating barangay tourism we can identify the hidden tourist spot in Lipa City as well as these tourism committee is composed of barangay officials, youth representatives, business owners as well as community volunteers. I want them to know me as a queen with purpose and with that I want to share not just in Batangas but in the world that here in Batangas City, here in Lipa City every barangay has a story and every story deserves to be heard.”

Sigawan at talaga namang hindi magkamaway ang audience matapos sumagot nina Johan at Erica na nakalamang ng puntos sa mga katunggali sa Final 5.

Bukod sa itinanghal na Miss Lipa Tourism 2026 si Erica, nakuha niya rin ang mga special prizes na Miss Photogenic at Best in Swimwear.

Nakuha naman ni Johan ang Best in Formal wear sa MLT2026.

Mutya ng Tambo 2025 si Erica bago sumalang sa MMLT2026. Isa rin siyang guro  na nakapasa noong December 2025 sa Licensure Examination for Professional Teachers -Elementary. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa isang pribadong eskuwelahan.

Samantala, itinanghal na 1st Runner Up sina Mohammad Gholami & Kate Danille Morales; 2nd Runner Up sina Marlon Anthony Parco & Allyza Joyce Lescano; 

3rd Runner Up sina Glen Wendel Masupil Felyciti Claire Marin; at 4th Runner Up sina Vincent Emmanuel Sayas & Tania Endozo.

Best in swimwear si Marlo Anthony Parco ng Brgy San Jose;  at Best in Formal Wear—ang Miss candidate no 3, Chloe Andrea delos Santos of Brgy Maraway.

Nag-uwi ng P100,000 ang title holder samantalanf P70,000 ang 1st; P50,000 ang 2nd; P30,000 ang 3rd; P20,000 ang 4th; at P10,000 ang consolation.

Kapuri-puri ang production ng Mister & Miss Lipa Tourism na bukod sa makulay, talaga namang pwede nang isabak sa mga national beauty contest ang produksiyong isinagawa at kabuuang hitsura ng stage.

Naging matagumpay ang MMLT 2026 dahil na rin sa suporta ng ama ng kanilang bayan, Mayor Eric Africa kasama si Hon. Venice Manalo, ang Committee Chairperson on Tourism gayundin sina Lipa City Tourism Council na siyang punong abala sa patimpalak Pres. Joel Peña at kanilang mga myembro at kinatawan. Kasama rin ang Community Affairs Office sa pangunguna ni Ms. Aylene Acorda. 

Naging matagumpay din ang pagsasagawa ng Mister & Miss Lipa Tourism dahil na rin sa magandang pagdidirehe ni Ms Georgia Reyes kasama ang kanyang grupo.

Sa mga nagwagi, congratulations!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nick Vera Perez

Nick Vera Perez nakisaya sa ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Chicago

NAKIBAHAGI ang kilalang Filipino-American community figure na si Nick Vera Perez (NVP) sa engrandeng pagdiriwang ng ika-128 …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …

Anne Curtis

Anne Curtis sa 29 taon sa showbiz: mas relax at kampante

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MARAMING ipinagpapasalamat si Anne Curtis sa kanyang 29 taon sa industriya. Simula kasi …

Nustar Online IRUNPH South Run All Out, All Proud

Nustar Online sinuportahan mga lokal na magsasaka at IRUNPH South Run: All Out, All Proud

ISANG matagumpay  at makabuluhang milestone para sa Nustar Online ang pagsali sa IRUNPH South Run: All Out, All Proud bilang …