Thursday , June 4 2026
Vape Smoke

Mataas na buwis sa vape target ipataw ng Kamara

ni Gerry Baldo

PLANO ng House Committee on Ways and Means ang pagpatupad ng unitary excise tax sa freebase nicotine at salt nicotine na ginagamit sa vape upang mas madali ang paniningil nang mas mataas na buwis.

Ayon kay Marikina City Rep. Miro Quimbo, chairperson ng komite, dumarami ang mga kabataang gumagamit ng vape na nagdudulot ng panganib sa kanilang kalusugan.

Batay sa datos ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), sinabi ni Quimbo na tumaas ang bilang ng mga edad 10-19 na gumagamit ng nicotine product. Mula 0.8% noong 2015 ay umakyat ito sa 3.2% noong 2019 at lumobo sa 39.9% noong 2023.

Ani Quimbo, layunin ng pagpapataw ng excise tax sa sin product na mabawasan ang gumagamit nito at magamit ang kita mula rito sa mga programang pangkalusugan.

“Sa kasalukuyan ay ang pagbubuwis sa salt nicotine at conventional freebase vape ay 2-tier,” ani Quimbo.

Ang salt nicotine ay pinapatawan ng P60 kada milliliter samantalang ang freebase ay P6.95.

Pabor ang Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue, at Department of Finance sa pagpapatupad ng unitary tax rate sa vape upang mas madali umano itong maipatupad.

“It is our duty to rethink the current excise tax rates. We cannot allow a generation to become heavily nicotine-dependent, only to realize later that we underpriced the health risks and underfunded the consequences,” ani Quimbo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …