I-FLEX
ni Jun Nardo
ALMOST one year palang natigil sa paggawa ng VMX movies ang sexy star na si Jenn Rosa na nagbabalik sa bagong movie na Helena.
Ayon kay Jenn, nag-aral siya ng HRM at nagkaroon ng me time para sa kanyang self love.
Eh nagustuhan niya ang kuwento ng Helena at may pasabog siyang ginawa rito.
“May pa-ice cream at pasilip! Ilang seconds lang ! Hahaha! Kaya huwag kukurap!” sabi ni Jenn sa mediacon.
Ayon pa kay Jenn, single and still hot pa rin siya lalo na’t masasarap ang kasama niyang lalaki sa Helena.
Bukod sa Helena, isang baguhang VMX star ang bida sa Latina na new crush ng bayan, si Shalanie De Vera na matapang din sa hubaran.
Streaming na ang Latina habang sa July 3 naman mapapanood ang Helena.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com