Saturday , July 27 2024

Gerry Baldo

Petisyon laban sa bus ban ihihirit ng Ako Bicol sa SC

MULING hihirit ang Ako Bicol Party-list sa Korte Suprema patung­kol sa pagbabawal ng mga pamprobinsyang bus sa Metro Manila dahil labag ito sa Saligang Batas. Ayon kay Rep. Alfredo Garbin, kailangan umano, ng agarang aksiyon ng Korte dito dahil apekatado ang lahat ng biyahero maging matanda o bata man. “The SC should have taken jurisdiction over the petition on the …

Read More »

Taas sahod aprobado sa Kamara

IPINASA na sa Kama­ra ang panukalang pagtaas ng sahod ng mga sibilyang kawani ng gobyerno sa pangat­lo at huling pagbasa sa panukala kahapon. Ayon kay Marikina Rep. Stella Luz Quim­bo, ang House Bill No. 5712 ay nagtutulak sa mga kawani ng go­byerno para maging mabilis at mahusay sa serbisyo publiko. Ani Quimbo, ang mataas na sahod ay nagreresulta sa mas produktibong …

Read More »

Sa Ampatuan massacre… ‘Guilty’ vs akusado

INAASAHAN ngayong araw ang hatol sa mga akusado sa Ampatuan massacre. Ayon kay Maguin­danao Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu, sana’y “guilty” ang maging hatol sa pumatay sa 58 katao kabilang rito ang 32 kagawad ng media. Ngayong araw ay babasahan ng hatol ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Jocelyn Solis-Reyes ang mga akusado sa Ampatuan massacre. “Imposibleng walang makuhang …

Read More »

Rufus sa mga Senador: Maging bukas kayo sa Cha-Cha

HINIMOK ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, ang hepe ng House Committee on Constitutional Amendments, na maging bukas sa panukalang baguhin ang Saligang Batas lalo ang nga probisyong  pang-ekonomiya. “I hope that senators instead of just saying that it (Charter change) is doomed, (that) it’s not a priority, should go into each and every proposal. Are they good for …

Read More »

Maynilad, Manila Water bumigay kay Duterte

BUMIGAY ang Maynilad at Manila Water sa kagustohan ni Pangu­long Rodrigo Duterte na hindi siya papayag mag­bayad ang gobyerno sa concessionaires ng tubig ng mahigit P11 bilyon sa kasong isinampa laban sa gobyerno sa Singapore Permanent Court of Arbitration. Sa pagdinig ng House committee on good govern­ment kahapon, sinabi ni Jose Almendras, presidente at CEO ng Manila Water; at Ramon­cito …

Read More »

P4-B ‘maglalaho’ sa Marawi rehab

HIGIT sa P4-bilyon ang nanganganib mawala sa rehabilitasyon ng Marawi City kung hindi ito gagas­tusin sa bayan na winasak ng gera sa pagitan ng gobyerno at mga extremist na Muslim. Ayon kay Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman, ang P4-bilyong pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi ay malapit nang mag-expire at babalik sa national treasury. Ani Hataman, malaking inhustisya para …

Read More »

May discrepancy pa sa Kamara at Senado… Pambansang budget aprobado sa Martes

AAPROBAHAN ng Kamara ang P4.1-trilyong pamban­sang budget sa Martes sa susunod na linggo. Ayon kay House Com­mittee on Appropriations Chairman Isidro Ungab, tatapusin nila ang bicam sa 2020 budget sa Martes ng umaga para sa hapon ay maratipikahan na ito sa plenaryo ng dalawang kapu­lungan. Sinabi ni Ungab na sini­sikap nilang makamit ang target sa mas maagang aprobasyon ng budget …

Read More »

Cayetano handang humarap sa imbestigasyon

HANDANG humarap si House Speaker Alan Peter Cayetano sa imbestigasyon ng Ombudsman patungkol sa mga alegasyon ng korupsiyon na may kaugnayan sa pagpatakbo ng Southeast Asian (SEA) Games. Nagbanta si Cayetano sa mga kritiko niya na kanyang bubuweltahan. Dalawang linggo na, aniya, na sinabi niyang handa siya sa mga imbestigasyon. “Two weeks ago, when the SEA Games was under attack …

Read More »

Bangayan sa P50-M kaldero itigil… 3 solons nanawagan, atleta suportahan

NANAWAGAN kaha­pon ang ilang kongresista na itigil na ang bangayan patungkol sa P50-milyo­nes na kaldero sa SEA Games. Anila, dapat ng mag­kaisa ang nga Pinoy at kalimutan ang mga kon­trobersiya kaugnay ng ika-30 Southeast Asian (SEA) Games na mag-uumpisa sa 30 Nobyem­bre hangang 11 Disyem­bre 2019. Ayon kay Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Jr., Quezon City Rep. Onyx Crisologo, at …

Read More »

Kamara takot kay Digong — Salceda

IMBES maging independent ang Kamara sa Ehekutibo, sunod nang sunod ito sa nga kagustuhan ng Pangulong Duterte. Ani Albay Rep. Joey Salceda, nangyayari ito dahil sa sobrang takot ng mga kongresista sa pangulo. Ayon kay Salceda sa panayam sa ABS-CBN  news nitong nalaraang Martes, lahat ng ginusto ng pangulo ay sinasanga­yunan ng mga mababa­tas. “Takot,” ani Salceda, “ang mga mambabatas …

Read More »

Buwis sa POGOs ‘ipinataw’ ng Kamara

LEGAL na opinyon man ni Solicitor General Jose Calida na hindi na dapat buwisan ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), nagkakaisang ipinasa ng House Committee on Ways and Means ang panukalang patawan ng buwis ang nasabing pamumuhunan. Batay sa House Bill 5257, limang porsiyento ang direktang ipapataw na franchise tax sa gross winnings ng POGOs at 25 porsiyento sa POGO workers na …

Read More »

Term sharing nina Cayetano at Velasco kasado pa rin

SA GITNA ng mga pag-uu­dyok kay House Speaker Alan Peter Caye­tano na huwag para­ngalan ang kasunduang term-sharing dahil sa magandang survey nito, sinabi ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kahapon na tuloy pa rin ang kani­lang ”gentle­man’s  agreement.” Ayon kay Velasco, napipintong mag-take-over sa puwesto ni Cayetano pagkatapos ng 15 buwan, hindi pa napapahon pag usapan ang term-sharing pero dapat …

Read More »

VP Leni hayaang mamuno sa war on drugs — Solon

SA KABILA ng mga pangamba ng oposisyon laban sa pagtangap ni Vice President Leni Robre­do sa posisyon bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), isang kongresista ng administrasyon ang nana­­wagang bigyan si Robredo ng panahon upang ipakita ang kan­yang kakayahan. Ayon kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., nararapat bigyang tsansa si Robredo na ipakita ang kanyang kakayahang baguhin …

Read More »

Circus sa bicam, ikinabahala ni Cayetano

NAGBABALA si House Speaker Alan Peter Caye­tano sa mga mam­babatas na ang kagus­tohan ni Sen. Panfilo Lacson na buk­san sa midya ang bicameral meetings sa  panu­kalang P4.1 tril­yong national budget para sa 2020 ay magi­ging circus. Ani Cayetano, nag-aalala siya na ang mga miting na ito ay magi­ging paraan para umek­sena ang mga kongre­sista. “We have to be very realistic on …

Read More »

Asin tax dapat asintado — Quimbo

KINUWESTIYON ni Marikina City (2nd Dist) Rep. Stella Luz Quimbo ang gustong mangyari ng Depar­tment of Health na patawan ng buwis ang asin bilang paraan sa pagkontrol ng non-communicable diseases o NCDs. “Sa panukalang ito, tamang pag-asin-ta ang tingin kong kailangan,” ani Quimbo. Ang NCDs ang leading cause of death sa Filipinas at sa buong mundo. Ayon sa World Health Organization, 68% ng …

Read More »

Ibinuking ng Solon: PWD ID for sale sa ‘rich kids’

ISINIWALAT ni ACT-CIS partylist  Rep. Eric Yap, ang identification card para sa persons with disability (PWD) ID ay ibinebenta ng mga fixer sa mga taong walang kapansanan. Ani Yap, nagagamit ang PWD ID ng iilang mayayaman bilang dis­count card upang maka­tipid sa pagbabayad sa bilihin at mga serbisyo. Nakaiiwas din, umano sa pagbayad ng value-added tax (VAT). “May nag-report sa …

Read More »

Parangal kay Yulo at Petecio inihain ng Solon sa Kamara

NAGHAIN si Marin­duque Rep. Lord Allan Velasco ng dalawang resolusyon upang kila­lanin ang karangalang ibinigay ng dalawang atleta na sina Carlos Edriel Yulo at si Nesthy Petecio sa pag-uwi ng gold medal sa gymnastics at sa women’s boxing. Si Yulo ay Nanalo ng gold medal sa 49th FIG (Fédération Internationale de Gymnastique) Artistic Gymnastics World Championship, at si Nesthy Petecio …

Read More »

DOH official sinabon ng kongresista

NAKATIKIM ng batikos ang mga opisyal ng Department of Health (DOH) sa dating kawani nito dahil sa maling pahayag na walang epek­tibong bakuna laban sa meningitis sa Filipinas. Ayon kay Iloilo Rep. Janette Garin, kailangan pagsabihan ni Secretary Francisco Duque ang mga tauhan niya lalo si Centers for Health Develop­ment (CHD) Director Eduardo Janairo na nagsabing hindi gina­gamit ang meningococcal …

Read More »

Tren na biyaheng Sorsogon ikatutuwa ng mga Bikolano

train rail riles

UMAASA si Rep. Rowena Niña Taduran ng ACT-CIS  Party-list na ang pagbuhay ng tren sa Bikolandia ay magdadala ng pag-unlad sa mga ba­yan na daraanan ng pro­yekto. Ayon kay Taduran, nagmula sa Iriga City sa Camarines Sur,  ang “test run” na ginawa ng Philip­pine National Railways (PNR) mula Tutuban sa Maynila hanggang sa Naga at Iriga City ay nagbibigay ng …

Read More »

Cha-cha may ‘higing’ na sa Kamara

congress kamara

PAGKATAPOS maaprobahan ang P4.1 bilyong pambansang budget, minarapat ng mga lider ng Kamara na pag-usapan ang charter change o cha-cha. Ang pakay, pormal na pinag-usapan sa House committee on constitutional amendments na pinamumunuan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, na amyendahan ang mga probisyong nakahahadlang sa pagpasok ng foreign investors. Ayon sa mga mambabatas na nagsususlong nito, layon ng …

Read More »

Polio virus binuhay ng ‘tsismis’ — Garin

Isinisi ni dating Health Secretary na ngayon ay Senior Minority Leader Janette Loreto-Garin ang pagsiklab ng polio sa bansa sa mga “fear-mongers” at “pseudo-experts” na naghasik ng pagkatakot sa dengue vaccine. Ayon Garin, kumuka­lat na naman ang polio sa bansa matapos ang pag­kawala sa nakalipas na 19 taon. Ayon sa Department of Health (DOH) nitong 19 Setyembre 2019, kompirmado ang …

Read More »

POGO posibleng gamit sa ilegal na droga — Solon

PINAIIMBESTIGAHAN ni Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa posibleng paggamit nito sa ilegal na kalakaran sa droga. Ayon kay Barbers, chairman ng House com­mittee on dangerous drugs, dapat tingnan ng mga awtoridad ang POGOs dahil posible itong magamit sa money-laundering ng drug money. “However, this requires a deep, pro­found and …

Read More »

P4.1-T 2020 national budget aprub ngayon

AAPROBHAN ng Ka­ma­­­ra ang panukalang P4.1 trillion national budget para sa 2020 nga­yong araw, Biyernes, imbes sa unang Linggo ng Oktubre. Ang maagang pagpa­sa ng budget ay bunsod sa sertipikasyong “urgent bill” ng Malacañang. Ayon kay House committee on appro­priation chairman Isidro Ungab ng Davao City, mapadadali ang pagpasa sa budget dahil “urgent bill” na ito. “Given the said certification, …

Read More »