Thursday , June 25 2026

Tuloy ang palitan ng speaker sa Oktubre — Cayetano

TULOY ang palitan ng speaker sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Oktubre at walang mag­babago sa napag-usapan.

Ito ang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa interbyu kahapon sa radio DZBB.

“Well ang usapan po kasi namin, ako ang personal commitment ko po sa ating Pangulo bilang head ng koalisyon, mag­hihintay ako ng advice n’ya sa tamang oras,” ani Cayetano.

Ayon kay Cayetano, tuloy ang napagkasun­duan nila ni Marinduque Lord Allan Velasco.

“Having said that, wala naman pong nagbabago sa aming mga napag-usapan. Ang usapan kasi namin, hindi na magpapalit lahat ‘yung ibang chairman. Kung sakali, isa o dalawa lang at ‘yung Speaker,” paliwanag ni Cayetano.

Sa kasunduan na inayos ni Pangulong Duterte, magsisilbi ang kongresista ng Taguig-Pateros sa loob ng 15 buwan habang si Velasco ay sa huling 21 buwan ng administrasyon hangang sa 30 Hunyo 2022.

Si Velasco ay wala sa unang lista na inilabas ng Kamara sa mga ekslusibong inimbita na dumalo sa State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa Complex ngayong Lunes.

Pero sa pinal na lista kasama ang pangalan ni Velasco, ang anak ng presidente na si Deputy Speaker Paolo Duterte, Zamboanga 1st District Sharky Palma, Quezon 2nd Dist Rep. JayJay Suarez, at DUMPER Party-list Rep. Claudine Diana Bautista.

Naunang kumalat sa mga reporter sa Kamara na nakalista si Velasco sa presidential entourage sa Lunes.

Si Velasco ay kilalang malapit sa presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Orihinal na lista ng mga imbitado ang mga sumusunod: Speaker Cayetano; Deputy Speakers Johnny Pimen­tel, Luis Raymund Villa­fuerte, Dan Fernandez, Raneo Abu, Dong Gonzales, Rodante Mar­coleta; Majority Floor Leader Martin Romual­dez; Minority Leader Benny Abante; Deputy Minority Leader Janette Garin; Secretary General Jose Luis Montales; Deputy Secretary General Brian Raymund Yam­suan; Sergeant-at-Arms Ramon Apolinario; and congressmen Robert Ace Barbers, Michael Defen­sor, Elpidio Barzaga, Eric Go Yap, Lani Cayetano, Juan Miguel Arroyo, Boying Remulla, Wes Gatchalian, Chicoy Alvarez, Divine Yu, Jonathan Sy-Alvarado, at Bambol Tolentino.

Sa kasalukuyan, patuloy ang preparasyon ng kamara para sa SONA.

Ang lahat ng dadalo ay sumasailalim sa swab test kasama na sina Cayetano, ang 30 kongresista at mga staff nito.

Bukas, bago ang SONA ay sasailalim muli sila sa rapid test. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …