Monday , June 15 2026
Gwen Garci MILF Maui Taylor Sheree Katya Santos

Gwen Garci balik sexy role sa new movie, pasok din sa seryeng “You’re My Favorite Song”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAGLALAGARI sa dalawang projects si Gwen Garci, ito ang Kapuso series na “You’re My Favorite Song” at pelikula mula Viva na pinamagatang “Milf”.

Ayon sa dating member ng Viva Hot Babe, nagsimula na siyang mag-taping sa serye ng GMA-7 at susunod na rito ang shooting ng kanilang bagong pelikula.

Aniya, “Aside sa seryeng You’re My Favorite Song, mayroon pa pong movie, abangan po nila ito, ang title ay Milf.  Hindi pa po nag-start ang shooting ng movie sa Viva, around third week pa raw po.” 

Magpapa-sexy ba siya ulit sa pelikulang Milf?

“Mayroon po silang aabangan sa movie na ito,” biting tugon ni Gwen.

Dagdag pa niya, “Ang movie pong ito, parang 

iyong Sex In The City po. Isang dark comedy. Kami nina Maui (Taylor), Sheree and Katya (Santos) ang cast po rito.”

Nabanggit din niya ang bagong serye. Aniya, “Ang role ko rito, friend po ako ni Katya Santos. Ang gagampanan ko rito ay kikay na bubbly at komedyante,” pahayag ng aktres.

Challenging daw para sa kanya ang ganitong role, dahil taliwas ito sa kanyang personality.

Esplika niya, “Yes, okay lang po sa akin ang ganitong mga role, challenging ito para sa akin. Kasi, hindi ako talaga ganoon… tahimik po ako at soft spoken in real life.”

Hindi naman siya under contract sa GMA-7, pero madalas siyang may project sa naturang TV network. Ano ang reaction dito ni Gwen?

“Sa Viva pa rin po ako, wala akong contract sa GMA-7. Kaya nagpapasalamat ako sa kanila nang sobra. Na kahit hindi nila ako contract artist ay madalas nila akong nabibigyan ng projects,” sambit pa ng aktres na walang kupas ang kaseksihan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Metropop winners Stars Reignited

Tickets sa concert ng Metropop winners mabenta

MATABILni John Fontanilla MALAPIT nang ma-sold-out ang tickets sa muling pagsasama-sama sa isang konsiyerto ng …

Gary V  Rene Baterbonia Divine Adili

Gary Valenciano nakiramay sa 2 Ateneo athletes

MATABILni John Fontanilla ISA si Gary Valenciano sa nagluluksa sa pagkamatay ng dalawang Ateneo de Manila University …

Sue Ramirez Rico Blanco Project Baby

Sue at Rico pak na pak sa Project Baby

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD na namin ang pelikulang Project Baby na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at Rico Blanco, …

Shalanie de Vera Latina Athena Red

VMX star Shalanie de Vera mahilig makipag-usap sa strangers

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWA na namang siguradong aabangan ng mga suki ng VMX ang inihahatag ng Viva. …

Jenn Rosa Helena

Jenn Rosa nag-aral kaya nawala sa VMX

I-FLEXni Jun Nardo ALMOST one year palang natigil sa paggawa ng VMX movies ang sexy star na …