MATINDI ang ingay ngayon sa socmed tungkol sa opisyal na mainstream screening ng Habang Nilalamon Ng Hydra Ang Kasaysayan ni Dustin Celestino na unang ipinalabas noong Oktubre 2025 sa Cinemalaya.
Maingay ang sigaw ng mga kabataan at estudyante na sana’y dumami pa ang mga sinehan na magpapalabas ng political-drama na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Mylene Dizon, Jojit Lorenzo, Nanding Josef, at Dolly de Leon.
Napapanahon ang Hydra lalo na ngayong maraming hinaharap na pagsubok ang bansa ang mga mamamayan lalo na sa estado ng ekonomiya at politika dito sa Pilipinas.
Mapangahas ang Hydra sa pagsisiwalat sa mga realidad ng socio-cultural at political conflicts at kung paano nito naaapektuhan ang buhay at moralidad ng mga tao.
Layunin ng mga guro na ipapanood ito sa kanilang mga estudyante para malaya nilang mapag-uspaan sa paaralan ang mga isyung panlipunan.
Pero paano nga naman ito mapapanood kung sa iilang mga sinehan lang ito mapapanood? (MV)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com