Wednesday , July 1 2026
AVC Womens Volleyball Cup

Vietnam nangibabaw, Chinese Taipei umarangkada sa AVC Women’s Volleyball Cup

CANDON CITY — Ipinagpatuloy ng nagdedepensang kampeon na Vietnam ang kanilang dominasyon sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Volleyball Cup matapos tambakan ang Hong Kong, 25-9, 25-18, 25-11, noong Linggo sa Candon City Arena.

Nagtala si Thi Nhu Quynh Vi ng 11 puntos, lahat mula sa mga atake, upang patatagin ng Vietnam ang kanilang paghawak sa liderato ng Group B kasunod ng kanilang straight-sets na panalo laban sa Lebanon sa kanilang unang laro.

Samantala, sa aksiyon ng Pool A, matagumpay na nagbukas ng kampanya ang Chinese Taipei sa pamamagitan ng 25-14, 25-11, 25-17 na pagwawagi laban sa Kyrgyzstan sa torneo na inihandog ng Philippine Sports Commission at ng Lungsod ng Candon sa pangunguna ni Mayor Eric D. Singson.

Lubos na kinontrol ng Vietnam ang laban matapos makapagtala ng 40 attack points kumpara sa 22 ng Hong Kong, habang sinamantala rin nila ang 25 errors ng kalaban.

Nanguna para sa Hong Kong si Sum Yuen Tang na may siyam na puntos, ngunit hindi nito napigilan ang ikalawang sunod nilang pagkatalo.

Susunod na makakaharap ng Vietnam ang Indonesia, habang haharap naman ang Hong Kong sa Lebanon.

Nagpakita ng mas matinding laban ang Kyrgyzstan sa ikalawang set at nakadikit pa sa isang puntos, 8-7, sa mga unang bahagi ng laro. Gayunman, nagpalit lamang ng ritmo ang Chinese Taipei at agad na lumayo, 18-9, bago tuluyang dominahin ang set at ang buong laban.

Susunod na makakalaban ng Chinese Taipei ang Australia, habang sasagupain ng Kyrgyzstan ang Alas Pilipinas. (AVCWCC.)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Aislinn Agnes Yap Princess Aumagel Cortez Jomary Torres Sambo

3 Ginto ng Pinas, pang lima sa Asia-Oceania Sambo

NAGTAPOS sa mataas na nota ang kampanya ng Pilipinas matapos masungkit ang ikatlo at huling …

PAPI RESCOM Philippine Army gun safety training

PAPI at RESCOM Philippine Army, nagsanib-puwersa sa gun safety training para sa mga mamamahayag

TANZA, CAVITE — Sa propesyong ang pangunahing sandata ay panulat, kamera, at katotohanan, muling pinaalala …

Jomary Torres Sambo

Torres, Cortez naghatid ng 2 ginto sa Pinas sa Asia-Oceania Sambo

DALAWANG gintong medalya ang ibinulsa ng Pilipinas sa bisa nina world-ranked Jomary Torres at Aumaegel …

Sophia Nicole Novino Sambo Paolo Tancontian PSC Pato Gregorio

Silver ni Novino, nanguna sa medal haul ng Pinas, 3 pa ang bronze sa Asia-Oceania Sambo

HINDI nagpadaig sa tapang si Pinay rookie Sophia Nicole Novino kahit nakaharap ang dalawang ulit …

DOST SOCCSKSARGEN Cotabato PSTO PNP CPPO

CPPO Explores Opportunities in Science and Technology Initiatives with DOST Cotabato

The Department of Science and Technology (DOST) SOCCSKSARGEN – Cotabato Provincial Science and Technology Office …