Monday , June 8 2026
MTRCB

MTRCB nakatanggap ng ika-pitong magkasunod na Unmodified Opinion mula COA

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MULING kinilala ng Commission on Audit (COA) ang mahusay na pamamahalang pampinansiyal ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) matapos nitong pagkalooban ang Ahensiya ng Unmodified Opinion para sa Calendar Year (CY) 2025.

Ito na ang ika-pitong magkakasunod na taon na nakatanggap ang MTRCB ng pinakamataas na audit opinion mula sa COA, patunay ng patuloy na pagsunod nito sa mga umiiral na pamantayan sa pag-uulat at pamamahala ng pondo ng bayan.

Batay sa Annual Audit Report (AAR) na ipinadala ng COA noong ika-2 ng Hunyo 2026, makatarungan at tumpak na naipakita ng MTRCB ang kalagayang pampinansyal, mga resulta ng operasyon, cash flows, at iba pang mahahalagang financial information alinsunod sa mga naaangkop na accounting at auditing standards ng pamahalaan.

Isinagawa ang audit alinsunod sa International Standards of Supreme Audit Institutions (ISSAIs) at sinuri ang financial statements, pagsunod sa mga batas at regulasyon, gayundin ang implementasyon ng mga rekomendasyon mula sa mga naunang audit.

Masayang tinanggap ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang resulta ng audit at sinabing ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng buong organisasyon upang mapanatili ang mataas na antas ng integridad at pananagutan sa serbisyo publiko.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa Commission on Audit para sa kanilang masusing pagsusuri at pagkilala sa aming mga pagsisikap. Ang ika-pitong magkakasunod na Unmodified Opinion ay patunay ng matatag na paninindigan ng MTRCB sa transparency, accountability, at responsableng paggamit ng pondo ng bayan,” ani Sotto-Antonio.

Pinuri rin niya ang dedikasyon ng mga opisyal at kawani ng Ahensiya na naging mahalagang bahagi ng nasabing tagumpay.

Tagumpay ito ng buong MTRCB. Bunga ito ng sama-samang pagsisikap ng bawat opisyal at kawani upang matiyak na ang lahat ng proseso at transaksyon ng Ahensiya ay isinasagawa ng may integridad, kahusayan, at malasakit sa publiko. Habang patuloy nating isinusulong ang modernisasyon ng MTRCB, mananatili tayong tapat sa ating tungkuling maging mabuting katiwala ng pondo ng bayan,” dagdag pa.

Sa liham na kalakip ng ulat, sinabi ng COA na ang isinagawang audit ay nagbigay ng sapat na batayan para sa paglalabas ng Unmodified Opinion. Nagpahayag din ito ng pasasalamat sa suporta at kooperasyong ipinagkaloob ng mga opisyal at kawani ng MTRCB sa buong audit process. 

Muling pinagtitibay ng MTRCB ang pangako nito sa mahusay, tapat, at responsableng paglilingkod habang patuloy na isinusulong ang mga programang nagtataguyod ng responsableng panonood, media literacy, at pambansang kaunlaran.

Sa gitna ng gulo, sa maraming aspeto ng kanya-kanyang mga buhay, ang masisipag na pamunuan ng MTRCB ay patuloy sa paggabay sa isang #ReponsablengPanonood sa bansa.

As they continue to Inform. Educate. 

Hindi lang sa kung ano ang tama at dapat na malapatan ng mga mata ang tamang panoorin kundi ang papel din nito sa iba pang mahahalagang mga bagay. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Kaye Abad Cancer Survivors Month

Kaye ipina-tattoo pink ribbon para sa Cancer Survivors Month

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “FOR quiet battles and victories of a cancer survivor.” Caption ng tattoo …

Apphle Celso Christy Imperial

Marian at Dakota Johnson inspirasyon ni Apphle para mahalin ang sarili

MATABILni John Fontanilla IDOLO ng VMX actress na si Apphle Celso sina Marian Rivera at Hollywood actress Dakota Johnson. Ayon kay Apphle …

Jillian Ward

Jillian mas gustong pribado ang buhay pag-ibig 

MATABILni John Fontanilla MAS gustong maging pribado ang lovelife ng  Kapuso Drama Princess na si Jillian Ward. …

DOST-PCIEERD WHWise

Strengthening Women Through Innovation: DOST-PCIEERD Highlights WHWise Program for Women-Led Social Enterprises on Tekno PreSyensya

As part of its continuing efforts to promote women empowerment in innovation and entrepreneurship, the …

DOST-PCIEERD USTP open built environment laboratory in Northern Mindanao

DOST-PCIEERD, USTP open built environment laboratory in Northern Mindanao

Officials from the Department of Science and Technology-Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology …