I-FLEX
ni Jun Nardo
GOOD vibes ang dating ng muling pagsasama ng former lovers na sina Heart Evangelista at John Prats sa Teka Lang music video.
May behind the scenes na lumabas sa social media na may nakalagay na “where memories meet the present.”
Si John ang first love ni Heart pero nanatili silang magkaibigan until now kahit may iba na silang minamahal.
Ang Teka Lang ay kinanta ni TJ Monterde. Kasama rin sa MV ang Sparkle artist na si Caprice Cayetano.
Balikan ngayong Sabado ang guesting ni John sa Heart World at panoorin ang hosting ng global fashion icon sa The People Have Spoken after 24 Oras Weekend.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com