Wednesday , June 10 2026
Puregold OPM Con Generations

Mula grocery cart tungong concert
Libreng tiket sa Puregold OPM Con Generations paano makukuha?

SIMULA na ng pag-aabang sa kapana-panabik na Puregold OPM Con Generations! 

Habang naghahanda ang mga tagahanga sa gabing pangungunahan ng ilan sa pinakamahuhusay na talento sa Original Pinoy Music, ilulunsad ng Puregold ang kakaibang paraan ng pagkuha ng tiket, na magsisimula sa Hunyo 12, at magbibigay ng pagkakataon sa mga mamimili na magkaroon ng libreng tiket sa pamamagitan ng kanilang pinamiling groseri.

Pagsasama-samahin ng OPM Con Generations sa Hulyo 11, Araneta Coliseum, ang SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G, Skusta Clee, SunKissed Lola, G22, KAIA, at Xonara para sa isang hindi malilimutang gabi ng retailtainment.

Mula Hunyo 12, maaaring makakuha ng libreng tiket ang mga miyembro ng Aling Puring at Perks, sa pamamagitan ng kwalipikadong iisang-resibong napamili sa mga kalahok na tindahan ng Puregold.

Taon-taon, nasasabik kaming makita ang pag-aabang ng mga mamimili sa ‘OPM Con’” ani Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club. Inc. Alam naming higit pa sa musika ang OPM para sa mga Filipino–bahagi ito ng ating identidad, nahabi sa ating mga alaala, tagumpay, at pang-araw-araw na buhay.”

Sinabi pa ni Ms Ivy na espesyal ang karanasang ito dahil nagsisimula ito bago pa man ang gabi ng concert.  “Dahil sa ating ticket redemption program, ang simpleng pagpunta sa groseri para mamili ay maaaring maging simula ng sandaling mahalaga sa isang tagahanga. Pinaglalapit nito ang mga magkakaibigan at pamilya sa mga musikero, kanta, at komunidad na mahala sa kanila.

Para sa tiket, kinakailangang makakuha muna ng queueing number para sa kanilang ninanais na ticket tier ang mga kustomer na may aktibong membership sa Aling Puring o Perks. Kinukompirma ng queueing number na ito kung mayroon pang puwang o slot sa napiling seksiyon o kategorya ng tiket. Sa oras na makompleto ang pamimili, maaari nang tumungo ang mga miyembro sa ticket redemption booth at ipakita ang kanilang Aling Puring o Perks card, queueing number, at opisyal na resibo upang makuha ang kanilang concert ticket.

Narito ang mga kailangang halaga para sa single-receipt purchase at ang karampatang ticket category ng bawat isa:

VIP Standing – ₱8,500 minimum purchase

Patron – ₱7,000 minimum purchase

Lower Box – ₱5,500 minimum purchase

Upper Box – ₱4,000 minimum purchase

General Admission – ₱2,500 minimum purchase

Obstructed Upper Box – ₱1,500 minimum purchase

Obstructed General Admission – ₱1,500 minimum purchase

Ang bawat isang kwalipikadong transaksiyon ay nagbibigay sa bawat miyembro ng isang concet ticket, at mayroong maximum na dalawang tiket lamang na maaaring makuha ang bawat miyembro sa durasyon ng ticketing period. 

Kung mayroong miyembro na makagagawa ng higit sa dalawang kwalipikadong transaksyon, kailangang ang pinakamataas na halaga lamang ang magagamit sa pagbili ng tiket. Para naman sa VIP Standing at Patron na tiket, maaaring magsagawa ng cash-in papuntang P-Wallet account upang makakuha ng tiket.

Hindi maaaring ilipat, ibigay, o ipamili sa ibang tao ang mga concert tiket. May karapatan ang Puregold na ikansela ang tiket o hindi payagan ang sinuman na pumasok sa concert venue oras na mapatunayang hindi lehitimo ang pagkuha ng tiket.

Para sa mga menor de edad, kinakailangang may kasamang may-ari ng tiket na edad 18 pataas. Hinihingi rin ang pagpirma ng isang waiver pagpasok sa venue.

Maaaring makakuha ng tiket para sa OPM Con Generations sa mga sumusunod na tindahan ng Puregold sa buong bansa: Taytay, Rizal; Biñan, Laguna; Anabu-Imus, Cavite; Valenzuela; QI Central, Quezon City; Cubao, Quezon City; Fairview Terraces, Quezon City; Tayuman, Tondo, Manila; Parañaque; Kalentong, San Andres, Manila; Q. Plaza, Cainta, Rizal; at San Pedro, Laguna.

Para sa mga kustomer sa probinsya, mayroong ilalaan na Regional Fan Pass ang Puregold, para mabigyan ng pagkakataon ang mga tagahanga sa labas ng Metro Manila at ng Pilipinas na makakuha ng tiket habang mayroon pang suplay.

Dahil inaasahang mabilis na mauubos ang mga tiket, hinihikayat ang mga mamimili na bumisita ng maaga sa mga kalahok na tindahan upang makuha ang ninanais na seksyon sa concert.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Cassy Legaspi

Cassy iginiit single at walang karelasyon

MATABILni John Fontanilla KUMALAT kamakailan sa social media ang mga larawan ni Cassy Legaspi habang nagbabakasyon sa …

Alden Richards World Bicycle Day

Alden pinangunahan World Bicycle Day

RATED Rni Rommel Gonzales SOLID na fitness enthusiast talaga si Alden Richards! Kamakailan ay isa siya …

Habang Nilalamon Ng Hydra Ang Kasaysayan

Sigaw ng mga kabataan: ‘nasaan ang Hydra’ 

MATINDI ang ingay ngayon sa socmed tungkol sa opisyal na mainstream screening ng  Habang Nilalamon Ng …

Gary V BILIB

Gary V. dream makasama ng BILIB sa concert 

MATABILni John Fontanilla PANGARAP makasama ng PPop Boygroup na Bilib kapag nagkaroon sila ng concert ay si Gary …

Kim Rodriguez

Sexy photo ni Kim sa Instagram patok 

MATABILni John Fontanilla PUMUKAW sa atensiyon ng mga kalalakihan ang Instagram post ni Kim Rodriguez na naka-checkered two peice. …