Kim wala sa artcard na dadalo sa Parade of Stars sa Bacolod

Kim Chiu

I-FLEX
ni Jun Nardo

WALA ang picture at pangalan ni Kim Chiu sa art card na inilabas ng Metro Manila Film Festival sa magaganap na Parade of Stars sa Bacolod City sa December 12, 2026.

Tanging sina Paulo Avelino, Zac Sibug, at Eugene Domingo ang pupunta bilang bahagi ng entry nilang A Perfect Marriage ng Quantum Films.

Hindi na tuloy natigil ang mga espekulasyon sa totoong kalagayan ni Kim. 

Buntis ba? Nanganak na ba? Super depressed pa rin ba sa nangyari sa kanila ng kapatid na si Kam?

At kung ano-ano pa kaya super nganga ang faney pati na rin ang maraming tao tungkol sa kanya.

Wala ring maisagot na kompirmasyon sa amin ang producer ng movie na si Atty. Joji Alonso kung buntis si Kimmy.

In the coming days ay magkakaroon na ng mediacon ang movie. Then, promo time at Parade of Stars before the opening day.

Everybody’s hoping all is well with Kim na walang kalaban sa Best Actress award, huh!