Wednesday , June 24 2026

Empleyado pa sa Kamara patay sa COVID-19

ISANG araw matapos tanggihan ng liderato ng Kamara ang pagsasagawa ng mass testing sa mga empleyado nito, namatay ang isang 52-anyos lalaking kawani, pangatlo, dahil sa COVID-19.

 

“We are deeply saddened to know that he passed away early this morning,” ani House Secretary General Atty. Jose Luis G. Montales.

 

Ang namatay ay 52-anyos na nakatalaga sa Bills and Index Service.

 

Ang naturang empleyado ay huling nagpunta sa Kamara noong 29 Hunyo para magsumite ng ilang dokumento.

 

“May he rest in peace. Our prayers for his loved ones during this difficult time,” ani Montales.

 

Ang unang biktima sa  House of Representatives ay namatay noong 16 Marso at ang pangalawa ay noong 21 Marso.

 

Ayon kay House Deputy Secretary General for Administration, Dr. Ramon Ricardo Roque tinanggihan ng kamara ang mass testing matapos magkonsulta sa health experts.

 

“Ang sinasabi ng doctors of medicine, based on the research, sa  tulong din ng UP (University of the Philippines), ‘yung testing kapag hindi mo nauulit, medyo hindi masyadong conclusive,” ani Roque. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …