Tuesday , June 9 2026
TNVS driver binaril ng pasahero

TNVS driver hinoldap, binoga ng pasahero 

BIGONG makauwi sa kanyang pamilya ang isang Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver nang holdapin at barilin ng kanyang pasahero kamakalawa ng madaling araw sa Bagong Silang, Caloocan City.

Patay agad ang biktimang si Erick Robert Songco, 37 anyos, residente sa Merry Homes Subdivision, Caloocan City.

Agad nadakip sa follow up operation ng mga tauhan ng Caloocan City Police Sub Station 12 sa San Jose del Monte, Bulacan ang suspek na isang alyas Renan, 32.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, isinakay ng biktima ang suspek ngunit sa kalagitnaan ng biyahe ay nagdeklara ng holdap ang huli.

Nakita sa video na nakikiusap ang biktima sa suspek na huwag siyag patayin hanggang humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.

Matapos ito ay agad tumakas ang suspek.

Kinondena ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Benliner Capili ang ginawang pamamaslang sa TNVS driver kasabay ng kautusan ng pagpapaigting ng police visibility at checkpoints.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MTRCB

MTRCB nakatanggap ng ika-pitong magkasunod na Unmodified Opinion mula COA

HARD TALKni Pilar Mateo MULING kinilala ng Commission on Audit (COA) ang mahusay na pamamahalang pampinansiyal ng Movie …

Northern Police District, NPD

1,279 pulis ng NPD kasado na sa pagbubukas ng klase

KASADO na ang pulisya ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CaMaNaVa) na nasasakupan ng Northern …

Arrest Posas Handcuff

Lolo huli sa rape

ARESTADO ang 61-anyos lolo na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor de edad …

DepEd Students

DepEd: 26 milyong estudyante, balik-eskuwela ngayon

NASA 26 milyong mag-aaral ang inaasahang magbabalik-eskuwela ngayong Lunes, 8 Hunyo, para sa School Year …

Pinoy Bugsy Ceferino Perry Mariano

Suspects, anim lahat
UTAK, GUNMAN NA PUMASLANG SA PINOY BUGSY TUKOY NA NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN TINIYAK ng Quezon City Police District (QCPD) na hawak na ng pulisya …