Wednesday , June 24 2026
Editorial

Senadong nagpapanggap na malaya

WALA naman sigurong kokontra kay Senate President Alan Peter Cayetano nang igiit niyang kailangang protektahan ng Senado ang sarili nitong kalayaan bilang isang co-equal branch of government.

Malinaw ang punto ni SP Cayetano, hindi ito tungkol sa pagprotekta sa isang kaalyado kundi pagprotekta sa dignidad at independence ng Senado bilang isang institusyon.

Kaya nga dagdag niya, “hindi dapat lumuhod ang Senado.”

Ganitong mga salita ang inaasahan ng publiko sa isang stateman. Kaakibat niyan ang gawa. Sabi nga kung ano ang iyong sinasabing makabubuti dapat ganoon din ang iyong ginagawa para hind imaging lip service.

Sa tingin ba ni SP Alan sino ang may gustong  lumuhod ang ang Senado at kanino?

Masama nga kasi ang buena mano ng pag-upo ni Senator Alan bilang Senate President. Pagkaupong-pagkaupo, nagkasunod-sunod na ang tensiyon sa Mataas na Kapulungan.

Sabi nga, klaro ang pressure na kinahaharap ngayon ng Senado at ng bagong mayorya.

Sunod-sunod ang pag-atake at bantang pagpapaaresto laban sa ilang senador, bukod kay Senator Jinggoy Estrada ay kasama rin sa iisyuhan ng arrest order sina Senador Francis “Chiz” Escudero, Senador Rodante Marcoleta, at Senador Joel Villanueva.

Una nang nanindigan si Estrada na ‘kalokohan’ ang kasong isinampa laban sa kanya dahil mismong ang Senate Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) ang nagpatunay na walang insertions sa 2025 budget.

Ibinunyag ni Estrada na ilang beses siyang inalok na talikuran ang ‘Majority Bloc’ kapalit ng pagbasura sa kanyang kaso pero hindi niya tinanggap.

Grabe ang mga pagbubunyag na ‘yan.

Pati si Senate President Alan Peter Cayetano at mga senate employees balak sampahan ng kaso ukol sa naganap na atake sa Senado habang binabalewala ang naging partisipasyon ng NBI at ng bagong minority sa mga insidenteng ito.

Kaya sabi ng bagong SP, “hindi dapat hayaang maimpluwensiyahan ng takot o pressure politics ang Senado.”

Hindi niya sinabing huwag managot si Estrada. Hindi rin niya sinabing pigilan ang proseso ng batas. Ang kanyang ipinunto ay may malinaw na pagkakaiba, ang pagpapatupad ng batas at ang paggawa ng political spectacle.

At sa totoo lang, may saysay ang puntong iyon.

        Ano na ang nangyari sa mga bilyon-bilyong ninakaw nina Henry Alcantara? Mga congressmen na involved sa mga contractors?  Dahil ba lilitisin ng bagong liderato ng Senado ang flood control scam ay takot na ang lahat na mabulgar ang katotohanan? Harapan na ang panggigipit na ginagawa sa senado para mabuwag ang bagong mayorya.

Hindi dapat pinatatakbo ang Senado gamit ang pressure politics, media frenzy, at pampublikong pagpapahiya.

Kapag ang isang co-equal branch of government ay nagsimulang kumilos dahil lamang sa pressure mula sa labas, nawawala ang tunay na kahulugan ng institutional independence.

“The Senate is a co-equal branch of government. It is not a prize to be claimed — by anyone,” ani Cayetano.

Dagdag niya: “I am speaking truth that each senator already knows — the independence of this institution, and the legal standing of any of its members, are not currencies. The day they become things to be traded, is the day that the Senate is diminished. And after the Senate, the Republic.”

Kapag ang Senado ay nagsimulang kumilos dahil sa pressure, takot, o political bargaining, unti-unting nawawala ang tunay nitong papel bilang isang independent institution.

Hindi itinayo ang Senado upang maging extension ng administrasyon, oposisyon, o kahit anong political faction. Itinayo ito upang maging independent institution na kayang manindigan kahit hindi popular ang posisyon nito.

Simple lamang ang punto ni SP Cayetano sa panawagan niya sa Minorya na “manahimik” ang Senado bilang simbolikong hakbang ito ay upang ipakita ng Senado na kaya nitong manindigan bilang institusyon at hindi basta magpadala sa pressure mula sa labas.

“I am asking you to join one deliberate act — to let the Senate go quiet, together and by choice, so the country is made to ask why a co-equal branch would fall silent rather than be made to serve.”

Hindi usapin dito kung dapat bang managot ang mga opisyal na may kinahaharap na kaso. Siyempre dapat. Ngunit ibang usapin kapag ang pressure, takot, at political maneuvering ay nagsisimula nang magmukhang bahagi ng mismong proseso.

Ang isang independent Senate ay hindi madaling kontrolin. Hindi ito basta sumusunod sa ingay ng social media, sa pressure ng political camps, o sa dikta ng kung sino mang kasalukuyang makapangyarihan. Nag-iisip ito para sa sarili nito.

Kapag nasanay ang Senado na gumalaw dahil sa takot at pressure, hindi na ito Senado. Isa na lamang itong institusyong nakaluhod habang nagpapanggap na malaya.

At kapag nangyari iyon, hindi lamang Senado ang talo kundi ang mismong prinsipyo ng checks and balances na pundasyon ng demokrasya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Gulo sa Senado, tinapos ni Sen. Joel Villanueva

SIPATni Mat Vicencio NITONG nakaraang dalawang linggo, naging sentro ng kontrobersiya ang Senado dahil sa …

Firing Line Robert Roque

PhilHealth: Isang walang-pusong kabiguan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAY mga trahedyang hindi na kayang pagaanin ng kahit …

PADAYON Teddy Brul

Jacinta Ybardolaza at ang Kabataang Rizal sa Pakil

PADAYONni Teddy Brul BAGO pa man naging pambansang bayani si Dr. Jose Rizal, madalas na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Si Chiz karapat-dapat tumayong presiding officer sa impeachment trial

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng usapin at emosyon na nakapalibot sa impeachment trial …

Firing Line Robert Roque

Mga Araw ng Ulan at Araw ng Baha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAGSIMULA na ang School Year 2026–2027 kasabay ng tag-ulan. …