NAGBABALA at nanawagan ang isang concerned citizen kaugnay ng putol na overpass sa kanto ng Coastal Road at Roxas Blvd., sa bahagi ng Parañaque City.
Ayon sa concerned citizen, pauwi silang dalawa ng kanyang pamangkin nang mapadaan sa nasabing overpass na dapat sana ay patungong MRT Station pagkatawid.
Pero hindi ganoon ang nangyari kasi putol ‘yung pa-crossing ng highway.
Makikita sa larawan kapag ini-zoom (nakakulong sa pulang square), putol na sa gitna ang overpass.
Walang mga signage na nagsasabi na putol ang overpass kaya ang mangyayari mapapaderetso pa ang pedestrian bago ma-realize na putol ito at tanging barbed wire lang ang nakaharang.
Kung hindi putol ang overpass, ligtas sanang makatatawid ang mga pedestrian pero dahil putol, maoobliga silang bumaba at doon pa makatatawid sa highway na parang nakikipatintero sa mga sasakyan na malaking panganib lalo na kung walang nagkokontrol ng traffic.
Paging Parañaque City local government, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and Highways (DPWH), at MRT management, wala bang nakapansin sa inyo ng putol na overpass?!
‘Wag nang hintayin na may maaksidente bago solusyonan ang mapanganib na putol na overpass.
Aksyon!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com