MATABIL
ni John Fontanilla
NAKASANAYAN na at naging parte na ng routine ni Alden Richards ang pagbibisikleta.
Ito ang paraan ni Alden ng pag-aalaga sa kanyang kalusugan, ma-refresh at para na rin sa kanyang mental health.
“Since marami akong engagements everyday because of my work environment.
“Isa ‘yung cycling sa tini-treat ko na outlet ko for mental health.
“And at the same time para refresher ba, para maka-eject lang ako roon sa work environment at makabalik ako na refreshed,” anangAsia’s Multimedia Star.
Pero may paalala si Alden sa mga cyclist na katulad niya.
“Be mindful of the road, kailangan laging may helmet. Make sure that ‘yung bike n’yo is in good condition before riding out, and safety first.”
At kahit nga abala si Alden sa dami ng kanyang commitments ay nagagawa pa rin nitong bigyang-oras ang nakahiligang pagbibisekleta.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com