MATABIL
ni John Fontanilla
IKINASAL na sina Phoebe Walker at Rico Robles noong June 7, 2026 sa isang beach wedding ceremony sa Boracay.
Nakasuot si Phoebe ng isang napaka-ganda at eleganteng pearl-white off-shoulder gown with a high slit, habang si Rico ay pormal at guwapo sa kanyang classic na puting suit.
Dumalo sa kanilang kasal ang kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay sa loob at labas ng showbiz.
Post ni Phoebe sa kanyang Facebook, “Happy to be a Mrs. 🤍 06.07.2026 “
Na sinundan ng, “The most magical weekend, full of love, laughter and sunshine. Thank you Nice Print Photography & Exige Weddings & Charisse Santillan Tinio for capturing our wedding so perfectly. 🥰 ”
Marami ang nagpahatid ng pagbati sa bagong kasal mula sa kanilang mga kaibigan at tagahanga at ilan dito ang sumusunod:
“Congratulations!”
“Best wishes po sa inyo mam Phoebe, we love u po. God blesa you!”
“Congrats and best wishes Phoebe and Rico.”
“Congratulations to you and kuya Rico Robles . Wishing you lots of love and happiness.”
“Woot! Congrata, Phoebe!”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com