MATABIL
ni John Fontanilla
MALAPIT nang ma-sold-out ang tickets sa muling pagsasama-sama sa isang konsiyerto ng ilan sa Metropop winners via Stars Reignited, na prodyus ng EV Productions and Events.
Maituturing na Divas Night ang concert nina
Roxanne Barcelo, Faith Cuneta, Miles Poblete, Anna Katrina Lara, Xaxa Manalo, Champagne Morales, at Camille Velasco dahil sa husay ng mga itong umawit at mag-perform.
Kaya naman kaabang-abang ang pagsasama-sama nila sa isang konsiyerto na gaganapin sa September 5 (Saturday), 7:00 p.m. sa Teatrino Promenade Greenhills, San Juan City.
Kaya habang may natitirang tickets pa, mag-avail na para mapanood at masaksihan ang reunion concert ng mga Metropop winner.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com