MATABIL
ni John Fontanilla
EMOSYONAL na ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon sa interview nito sa Toni Talks ni Toni Gonzaga na noong kasagsagan na nagkaroon ng conflict ang TVJ at Tape Inc at nagkaroon ng tanggalan ay siya ang number 1 candidate sa pagbabagong bihis ng Eat Bulaga.
“Ako ‘yung top 1 po na sure na sure na gusto nilang tanggalin,” ani Ryza Mae.
At habang lumalala raw ang conflict ng TVJ at Tape Inc. ay unti-unti ring nababawasan ang exposure nito sa longest and number 1 noontime show ng bansa.
Dagdag pa ni Ryzza na may tini-train na bata para kapalit niya. Kaya naman halos once a week na lang siya napapanood sa Eat Bulaga at sa isang segment na lang. Kaya naman labis itong nasaktan sa nangyari.
“Kasi nandoon na po ‘yung papalit sa akin, tini-train na po,” aniya.
“Masakit talaga po kasi pinaghirapan ko ‘to.”
Kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat nito sa TVJ dahil hindi pumayag ang mga ito na matanggal siya.
“Sobra rin po talaga ‘yung pasasalamat ko sa TVJ kasi ipinaglaban din po nila na hindi ako maalis,” kuwento ni Ryza Mae.
Sumikat si Ryzza nang manalo sa Little Miss Philippines noong 2012 sa Eat Bulaga.
Hawak niya rin ang titulo bilang pinakabatang talk show host via The Ryzza Mae Show at nagkasunod-sunod na ang kanyang pelikula.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com