MA at PA
ni Rommel Placente
NAPANOOD na namin ang pelikulang Project Baby na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at Rico Blanco, mula sa Regal Entertainment, sa ginanap na grand premier night nito noong Martes ng gabi.
Nagustuhan namin ng bonggang-bongga ang pelikula.
Tungkol ito sa isang dalaga na si Sandy (Sue)na gustong magkaanak ng walang asawa. Kumbaga magpapaanak lang sa lalaking kahit hindi niya mahal. Makikipag -sex siya rito hanggang mabuntis at magka -baby.
Naghanap siya ng lalaking magiging tatay ng anak niya. At si Rico (Migo) ang nahanap niya.
Pero na-inlove ito sa kanya. And eventually ay natutunan na rin niyang mahalin.
Nagkakaisa ang audience sa pagsasabing pak na pak kina Sue at Rico ang movie na nabigyan nila ng hustisya at saktong-saktong flavor ang kanilang mga karakter.
Sa Project Baby, muling ipinamalas ni Sue ang husay niya sa drama. Pero napatunayan niya rin sa pelikulang ito, na carry niya rin ang magpatawa.
Sabi nga ng direktor nila na si Eric Quizon, may ibubuga rin pala sa comedy ang dyowa ni Dominic Roque, na present sa grand premier night para suportahan si Sue.
Showing na ang Project Baby sa mga sinehan nationwide.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com