Friday , April 12 2024

Gerry Baldo

Pondo ng NTF-ELCAC ilipat sa serbisyo publiko — Makabayan

NTF-ELCAC

NANAWAGAN ang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tapyasan ang P10 milyong pondo ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ilaan ito sa ibang kapakipakinabang na serbisyo para sa bayan. Ayon kay Gabriela party-list Rep Arlene Brosas, isang malaking kasalanan sa taong bayan ang bantang pag-restore ng budget ng NTF-ELCAC. “Sa rami ng …

Read More »

 “Caregivers Welfare Act” pasado sa Kamara

congress kamara

SA BOTONG 271, inaprobahan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 227 o ang Caregivers Welfare Act na akda ni Bataan 1st District Representative Geraldine B. Roman. Ikinagalak ni Roman ang agarang pag-aproba sa panukalang para sa proteksiyon at kapakanan ng caregivers sa pagtupad sa kanilang tungkulin. Kinikilala rin niya ang mahalagang papel na ginagampanan ng caregivers …

Read More »

Para sa informal settlers sa NCR
IN-CITY RESETTLEMENT APROBADO SA KAMARA

Metro Manila NCR

KUNG noon ang mga binansagang squatters (Informal settlers) ay itinatapon sa mga lugar na walang tubig, koryente at trabaho, ngayon ay magkakaroon sila ng pag-asang manatili sa bayan na kinatitirikan ng kanilang bahay. Ayon kay TINGOG Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez, inaprobahan na ang House Bill (HB) No. 5, na nag-uutos sa pamahalaan na ang relokasyon ng informal settlers …

Read More »

Harris sa PH indikasyon ng US support vs China

112222 Hataw Frontpage

ni Gerry Baldo MALINAW, na tanda ng pagsuporta ng Estados Unidos sa Filipinas ang pagbisita ni Vice President Kamala Harris sa territorial dispute ng bansa laban sa China.                Inihayag ito ni Cagayan de oro 2nd district Rep. Rufuz Rodriguez nitong Lunes, 21 Nobyembre kaugnay ng pagbisita ni Harris, ang pinakamataas na opisyal ng Estados Unidos na bumisita sa bansa.  …

Read More »

Hustisya sa iba pang biktima, ex-BuCor chiefs imbestigahan

media press killing

Sa panig ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro kinakailangan matukoy ang tunay na mastermind sa pagpaslang kay Mabasa a.k.a. Percy Lapid maging sa ibang mamamahayag. “Let the judicial process run its course as murder raps were filed against suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag and others in relation the killing of broadcaster …

Read More »

DPWH district office sa BARMM kinatigan 

BARMM DPWH

UMANI ng malaking suporta ang panukala ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na magbuo ng district office ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos ang napakalaking pinsala sa rehiyon dulot ng bagyong Paeng. Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman napakaraming daan at tulay ang napinsala sa pananalasa ng nakaraang bagyo, …

Read More »

Dapat may kakayahan at mapagkakatiwalaan  
HENERAL NG TOKHANG ‘DI KAILANGAN SA DOH, — SOLON 

DOH

BINATIKOS ng isang makabayang kongresista ang desisyon ng Malacañang na magtalaga ng isang pulis bilang undersecretary ng Kagawaran ng Kalusugan. “We need a competent and trustworthy Health secretary now, not a Tokhang general,” ani House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro. Desmayado si Castro sa pagkakatalaga kay dating  Philippine National Police (PNP) chief Gen. Camilo Cascolan …

Read More »

Pagbisita ng mga pulis sa mga mamamahayag ipinabubusisi ng oposisyon

Police knocking on door

PINAIIMBESTIGAHAN ng oposisyon sa Kamara de Representantes ang ginawang pagbisita ng mga pulis sa tahanan ng mga reporter. Sa isang resolusyon na inihain ng Makabayan Bloc sa pangunguna ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang pagbisita ng mga pulis ay labag sa privacy ng mga reporter. Sinabi sa House Resolution 484, ang pagbisita ng …

Read More »

FM Jr., bigo sa pagtaas ng presyo ng bilihin – solon

101022 Hataw Frontpage

UMANI ng batikos si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa kabiguang tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa kanyang unang 100 araw bilang pangulo ng bansa. Ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, mayorya ng mga Filipino ay umaasa na bibigyan ito ng karampatang lunas na administrasyong Marcos. Ayon sa pinakahuling …

Read More »

Pagpaslang sa beteranong broadcast journalist  ‘di pinalampas ng Partylist

Percy Lapid Kabataan Party-list

MARIING kinondena ng Kabataan Partylist ang pagpaslang kay Percival Mabasa, o mas kilala bilang Percy Lapid, isa sa mga brodkaster na masugid na kritiko ng administrasyong Marcos-Duterte, sa Las Piñas City kagabi. Ayon sa kanyang manugang, binubuntutan si Percy Lapid habang papunta sa kanyang bahay para mag-online broadcasting, pero bago pa man nakapasok sa kanilang village ay pinagbabaril na siya …

Read More »

 ‘Trahedya’ sa demokrasya  
DE LIMA PINAGKAITAN NG BISITA SA KANYANG BIRTHDAY — LAGMAN 

Edcel Lagman Leila De Lima

ISANG ‘trahedya’ sa demokrasya ang ginawa ng pamahalaang FM Jr., nang ipagbawal ang pagbisita kay dating Senador Leila de Lima kanyang birthday kahapon. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman pinagkaitan si De Lima nang hindi papasukin sa kanyang kulungan ang mga pinakamalalapit na kaibigan niya. “She was unreasonably deprived of the company of her closest friends and ardent defenders,” ani …

Read More »

Batas vs illegal mining, logging 15-taon inisnab ng senado — solon

Senate Philippines

INAPROBAHAN ng House Committee on Natural Resources sa pamumuno ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga, Jr., ang dalawang panukalang ipagbawal ang pagmimina at pagputol ng kahoy sa Lungsod ng Cagayan de Oro. Ayon kay Rep. Rufus Rodriguez ng pangalawang distrito ng Cagayan ang panukalang House Bill 966 at House Bill 967 ay aprobado na ng Kamara, sa huli at pangatlong pagbasa, …

Read More »

Eksekusyon at paggasta itama – solon
GOV’T FUNDS KUNG HINDI ‘NAKAPARADA’ WINAWALDAS 

082322 Hataw Frontpage

HINIMOK ni Batangas Rep. Ralph G. Recto ang pamahalaang Marcos na ayusin ang problema ng paggastos ng pera ng bayan ng bawat ahensiya ng pamahalaan. Ayon kay Recto, kailangang gamitin ng pamahalaan ang budget upang mapabilis ang serbisyo. “When it comes to public spending, the problem is not in budget authorization, or when Congress approves the budget, but in budget …

Read More »

Sementeryong Islam sa bawat munisipyo inihaing panukala

Muslim Cemetery

IPINANUKALA ni Basilan Rep. Mujiv Hataman na magkaroon ng sementeryo ang mga munisipalidad na may malaking populasyon na sumasampalataya sa ilalm ng Islam. “A measure mandating all cities and municipalities with considerable Muslim populations to establish their own Muslim public cemeteries has been filed in the House of Representatives.” Ang House Bill No. 3755, o ang “Muslim Filipino Public Cemeteries …

Read More »

LTO binatikos ni Salceda dahil sa NCAP

LTO Money Land Transportation Office

BINATIKOS ng Albay Rep. Joey Salceda ang Land Transportation Office (LTO) sa pagbaliktad sa posisyon sa No-Contact Apprehension Policy (NCAP). Hindi umano, tumugon ang LTO sa mandato nitong pagsilbihan ang mga motorista. “The LTO should do its mandate and advocate for motorists, not LGUs (local government units ),” ani Salceda, ang Chairman ng House Ways and Means Committee. Ani Salceda, …

Read More »

Importasyon ng asukal pinayagan kahit lingid sa kaalaman ni FM Jr.

Sugar

SA GITNA ng kontrobersiya sa importasyon ng asukal, inako ng nag-resign na Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian na siya ang pumirma sa mga dokumento sa pag-angkat nito. Sa isang joint briefing ng House committee on good government at Committee on Agriculture kahapon, sinabi ni Sebastian, siya ang pumirma sa resolusyon sa pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal na walang pabihintulot …

Read More »

Kagutuman lalala
PAGWAWAKAS SA GUTOM PANAGINIP NI FM JR.

Bongbong Marcos BBM Arlene Brosas Gabriela

IMAHINASYON lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pangarap niyang wakasan ang gutom sa bansa. Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, imbes puksain, lalong lalala ang kagutuman dahil sa panibagong pagtaas sa mga presyo ng pangunahing bilihin kagaya ng sardinas at noodles. Ani Brosas, inaprobahan ito ng Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng lumalalang kagutuman at …

Read More »

Endo sa gobyerno wawakasan na
HB 521 PAG-ASA NG CONTRACTUAL EMPLOYEES

081522 Hataw Frontpage

BINIGYANG pag-asa ni Kabayan partylist Rep. Ron Salo ang mahigit 660,000 contractual at job order employees sa gobyerno na magiging regular sa kanilang trabaho kahit wala silang civil service eligibility. Sa pagbubukas ng 19th Congress, ihinain ni Salo ang House Bill (HB) 521 o ang Automatic Civil Service Eligibility Act na magiging tulay tungong regularisasyon ng mga contractual at casual …

Read More »

Imbestigasyon vs overpriced laptops ng DepEd iginiit

deped Digital education online learning

IGINIIT ni House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Partylist Representative France Castro, na ituloy ang imbestigasyon sa overpriced at lumang laptop na binili ng Department of Budget and Management – Procurement Service (DBM-PS ) para sa Department of Education. Ani Castro, kailangang maimbestigahan ang transaksiyon lalo’y ang isa sa mga nanalong kontraktor ay Sunwest Construction and Development Corp., na …

Read More »

Eleksiyon sa barangay at SK iliban – Hataman

sk brgy election vote

DAHIL SA PANDEMYA, nagmungkahi si Basilan Rep. Mujiv Hataman na ipagpaliban muna ang eleksiyon sa barangay at sa Sangguniang Kabataan. Ayon kay Hataman, mas mainam na iraos ito sa Mayo 2024 imbes sa 5 Disyembre. “Nasa gitna pa rin tayo ng rumaragasang pandemya, hindi pa balik normal ang lahat. Hindi natin sigurado kung ano ang kalagayan ilang buwan mula ngayon. …

Read More »

Pagpatay sa ex-mayor ng Lamitan, kinondena

Rose Furigay Mujiv Hataman

KINONDENA ni Basilan Rep. Mujiv Hataman ang pagpatay kay dating Lamitan City Mayor Rose Furigay kahapon. “We condemn in the strongest terms possible the fatal shooting of former Lamitan City Mayor Rose Furigay and that of her bodyguard and a security personnel in the Ateneo de Manila University,” ayon kay Hataman. Ang anak na babae ng dating mayora ay nasugatan …

Read More »

Tsina isnabin sa national projects — Solon

071822 Hataw Frontpage

ni GERRY BALDO NANAWAGAN si Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa pamahalaang Marcos na huwag isama ang Tsina sa malalaking proyekto ng gobyerno dahil may iba namang magpopondo rito. Ayon kay Rodriguez, maaaring huwag ituloy ang tatlong malaking proyektong popondohan ng Tsina na nilagdaan noong nakaraang administrasyong Duterte. “The old saying ‘beggars cannot be choosers’ cannot apply to us in this …

Read More »

Halaga ng P1,000 bill gusot o sira apektado ba? — Salceda

Joey Salceda new 1000 Peso Bill

HUMIHINGI ng paglinaw si Albay Rep. Joey Salceda sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa pahayag nito patungkol sa bisa ng ‘damaged’ P1000 polymer bills na ilalabas ng gobyerno. Ayon kay Salceda (Albay, 2nd district) kailangan linawin ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe M. Medalla kung mawawalan ba ng halaga ang P1,000 perang papel sakaling magkaroon ito ng gusot …

Read More »