Thursday , June 25 2026
Dan Fernandez

Fernandez: Mga opisyal ng gobyerno nabulag ng pera kaya POGO pinayagan

‘NABULAG’ sa malaking peraang mga opisyal ng gobyerno kaya pinayagan ang ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kahit na ipinagbawal na ito ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ito ang sinabi ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez sa muling pagsasagawa ng imbestigasyon ng quad committee ng Kamara de Representantes.

“Iba talaga ang kinang ng salapi sa mata ng ating mga nasa gobyerno at nagpapatupad ng mga batas,” ani Fernandez, chairman ng House committee on public order and safety.

Sinabi ni Fernandez, sa kabila ng utos ng Pangulo ay nagpatuloy ang operasyon ng POGO sa Cebu, Cavite, at Cagayan dahil itinuon ng mga corrupt na opisyal ang kanilang atensiyon sa pera at personal na interes.

“Hukayin po natin ang ugat ng lahat ng ito, at saan sila kumukuha ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang mga ilegal na operasyong ito,” deklara ni Fernandez.

Ikinabahala rin ni Fernandez ang alegasyon na mayroong matataas na opisyal at dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sangkot kaya nagpapatuloy ang operasyon ng POGO.

“Totoo ba ‘to? Is this the reason why operations in conducting on the stoppage of the illegal POGOs in the whole country are not being implemented or they are just stories that need no attention for discussion?” tanong ni Fernandez.

“Bilyon-bilyon ang operasyon ng POGO — from the construction of big facilities, buying of lands by certain Chinese corporations, and the financial transactions through bank exchanges of large amounts of money. Kung iisipin mo, hindi lang talaga online gambling and scams ang involved dito but the money being laundered in these operations is so blatant that it needs no deep explanation for an ordinary person to understand,” paliwanag nito.

“Pera ‘to ng droga. Pera ‘to na nanggaling sa Chinese operators na gustong linisin ang kanilang pera dito sa kanilang operasyon sa POGO,” giit ng kongresista.

Sa kanyang pagtatapos, nanawagan si Fernandez sa publiko na tumulong upang mahanap ang mga ilegal na POGO.

“Sa ating mga kababayan, tulungan n’yo po kami. Kung meron po kayong nalalaman sa patuloy na pag-o-operate ng ilegal na POGO sa inyong lugar, buligligin po natin ang mga nanunungkulan at mga hepe ng pulisya na kumilos sa kanilang mga nasasakupan. Without compliance, please report to the Quad Committee, and we will act accordingly,” wika ni Fernandez. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Insta360 Luna Ultra 1

Insta360 Launches Luna Ultra and Expands Retail Presence Across the Philippines
Leica Co-Engineered Gimbal Camera Leads Brand’s Growth to 50 Stores Nationwide

Insta360 officially introduced the Luna Ultra in the Philippines, marking the brand’s entry into the …

Mini-casino sa peryahan sa Bulacan at Pampanga, untouchables

Mukhang tigasin ang mga operator ng dalawang peryahan na matatagpuan sa Lias, Marilao, Bulacan at …

Camille Villar

Villar nanawagan
Mas matibay na seguridad, pinalawak na suporta para sa kalusugang pangkaisipan

NAGPAHAYAG si Senator Camille Villar ng matinding kalungkutan at pag-aalala kaugnay ng trahedyang pamamaril sa …

Multinational Village HOA DHSUD

DHSUD sinugod
Multinational Village residents nagsumbong kay Sec. Aliling Overstaying HOA officers patalsikin

SUMUGOD sa tanggapan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga residente …

Philippine Sports Hall of Fame

7 alamat ng Philippine sports, pormal nang naitala sa Philippine Sports Hall of Fame

PORMAL na itinanghal sa ika-5 Philippine Sports Hall of Fame Enshrinement Ceremony ang pitong natatanging …