IPINAKITA ni Senador Bam Aquino, isang certified movie buff, ang pagmamahal sa pelikula sa bagong episode ng Good Times with Mo, na ibinahagi ang kanyang all-time favorite na film trilogies.
Nang tanungin kung ano ang pinakamagandang trilogy para sa kanya, binanggit ni Sen. Bam ang personal na listahan ng mga iconic franchise, kabilang ang Back to the Future at The Dark Knight trilogy ni Christopher Nolan.
Kasama rin sa kanyang mga binanggit ang The Lord of the Rings, ang orihinal na Star Wars trilogy, The Godfather, at ang mga pelikulang Spider-Man ni Tobey Maguire.
“Back to the Future. Nolan Batman Dark Knight. Lord of the Rings. Star Wars, the first one. Star Wars the prequel. Godfather is also a trilogy,” ani Sen. Bam.
“Just Tobey Maguire. Also a trilogy. Ito na iyong trilogies na napagdaanan natin,” dagdag pa.
Nang mapunta ang usapan sa franchise na Indiana Jones, iminungkahi ni Sen. Bam na husgahan ang serye batay lamang sa unang tatlong pelikula nito.
“Pwede ko bang tanggalin ‘yung, fourth and fifth movie ng ‘Indiana Jones’ and we end with ‘Last Crusade?’” tanong ni Sen. Bam, na tumutukoy sa mga sumunod na pelikulang Indiana Jones and the Kingdom of the Crystal Skull at Indiana Jones and the Dial of Destiny, na ipinalabas noong 2008 at 2023, ayon sa pagkakasunod.
“We can call it one of the top trilogies ever also,” wika pa ng senador.
Ipinagtanggol din ni Sen. Bam ang isa sa mga pinaka-kontrobersiyal na pelikula sa franchise, at sinabing naniniwala siyang mas dapat bigyan ng pagkilala at pagpapahalaga ang Indiana Jones and the Temple of Doom.
“I will, I will die on the hill of ‘Temple of Doom’ actually being okay. Like, people don’t like ‘Temple of Doom.’ I really like ‘Temple of Doom.’ ‘Last Crusade’ pa rin kasi may Sean Connery involved, ‘di ba?”sabi pa.
Isinusulong ni Sen. Bam na mabigyan ng mas matibay na suporta ng pamahalaan ang creative industry ng bansa dahil sa malaking potensiyal nito na makalikha ng mas maraming trabaho at magpasigla ng ekonomiya.
Ayon kay Sen. Bam, nananatiling isa sa pinakamalalaking lakas ng Pilipinas ang creative sector at nararapat lamang itong suportahan sa pamamagitan ng tuloy-tuloy at sapat na pondo at pangmatagalang plano mula sa gobyerno.
Aniya, ang pinakalakas na suporta sa mga Filipinong creatives, artists, content creators, filmmakers, musicians, at designers ay hindi lamang magbubukas ng mas maraming kabuhayan at oportunidad sa trabaho, kundi magpapakita rin ng galing ng Filipino sa pandaigdigang entablado.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com