Friday , June 26 2026

3 BILANG NG MURDER, ATBP KASO ISINAMPA VS 15-ANYOS SHOOTER
14-anyos ‘lusot’ sa criminal liability

062526 Hataw Frontpage

HATAW News Team

PATONG-PATONG na reklamo ang inihain laban sa 15-anyos estudyanteng sangkot sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Inihayag ng Police Regional Office 8, isinampa ang tatlong kaso ng murder, tatlong bilang ng frustrated murder, at maramihang kaso ng serious physical injuries laban sa 15-anyos na suspek.

Paliwanag ng pulisya, tanging ang suspek na 15-anyos ang sinampahan ng kaso sa isinagawang krimen na may pang-unawa o discernment batay sa isinasaad ng Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.

Samantala, walang kasong isinampa laban sa 14-anyos na suspek dahil sinasabing exempted sa criminal liability sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act, nguni’t sasailalim sa intervention program.

Sa resulta ng paraffin test, nagpositibo sa gunpowder nitrates ang kanang kamay ng dalawang menor de edad. Nagpositibo rin ang baril na ginamit sa insidente na pinaputok ng mga suspek.

Sinabi ni PLtCol. Analiza Armeza, tagapagsalita ng Eastern Visayas police, sa panayam ng ABS-CBN, bago nagpaputok ang dalawang suspek ay tila naghahanap ng isang partikular na indibiduwal sa hanay ng mga estudyante.

Nabatid na pumunta ang dalawang suspek sa nabanggit na paaralan upang hanapin ang kanilang pakay. Ngunit nang hindi nila ito matagpuan, naglakad sila sa pasilyo at nagpaputok sa mga silid-aralan na kanilang nadaanan.

Ani Armeza, patuloy na iniimbestigahan kung sino ang tinutukoy na target at kung may kaugnayan ito sa sinabing karanasan ng mga suspek sa pambu-bully.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office ang dalawang menor de edad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

San Jose National High School Tacloban Gun Shooting

14-anyos shooter sa Tacloban dumalo sa flag ceremony, saka nagtago sa CR ng iskul

ISA sa mga suspek sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban ay …

CICC GoreBox

Sa naganap na pamamaril sa eskuwelahan sa Tacloban
APPS NG GAMING NA GOREBOX, IPINAGBAWAL NG CICC

PANSAMANTALANG ipinagbawal ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang application ng gaming na GoreBox …

Pagkakaisa ng mga Magtatahong sa Bacoor PAMABA

Sa maliit na kita sa masamang panahon 
MAGTATAHONG HINILING, BAYARIN BAWASAN SA PANAHON NG BAGYO

ni TEDDY BRUL BACOOR, Cavite — Pormal na nanawagan ang mga lider ng Pagkakaisa ng …

Insta360 Luna Ultra 1

Insta360 Launches Luna Ultra and Expands Retail Presence Across the Philippines
Leica Co-Engineered Gimbal Camera Leads Brand’s Growth to 50 Stores Nationwide

Insta360 officially introduced the Luna Ultra in the Philippines, marking the brand’s entry into the …

Mini-casino sa peryahan sa Bulacan at Pampanga, untouchables

Mukhang tigasin ang mga operator ng dalawang peryahan na matatagpuan sa Lias, Marilao, Bulacan at …