Thursday , June 25 2026
Batang Pinoy 2026 balik-Bacolod, 18K batang atleta sasabak copy
DUMALO sa Philippine Sportswriters Association Forum nitong Martes sa PSC Media Room sina (mula kaliwa) PSC Commissioner at Batang Pinoy Project Director Olivia "Bong" Coo, DepEd Director Miguel Mantaring, PSC Chairman Patrick Gregorio, Bacolod City Mayor Greg Gasataya, DILG Undersecretary Rolando Puno, at Bacolod City Administrator Atty. Mark Mayo upang talakayin ang paghahanda para sa Batang Pinoy 2026 na gaganapin sa Bacolod City sa Disyembre. (HENRY TALAN VARGAS)

Batang Pinoy 2026 balik-Bacolod, 18K batang atleta sasabak

BABALIK sa pinagmulan nito ang taunang Batang Pinoy matapos italaga ang Bacolod City bilang host ng 2026 edition na gaganapin sa Disyembre 12 hanggang 18.

Kilala bilang “City of Smiles” at tahanan ng sikat na MassKara Festival, muling tatanggapin ng Bacolod ang libu-libong batang atleta matapos nitong unang i-host ang torneo noong 1999.

Ayon kay Bacolod City Mayor Greg Gasataya, nakahanda na ang lungsod para sa prestihiyosong grassroots sports event.

“Pinasasalamatan namin ang Philippine Sports Commission sa pagtitiwala sa amin. Handa na ang Bacolod,” ani Gasataya sa Philippine Sportswriters Association Forum nitong Martes sa PSC Media Room.

Sinabi ng alkalde na may mahigit 4,000 hotel rooms ang lungsod para sa mga delegado, bukod pa sa mga pampublikong paaralan na maaaring gawing billeting areas. Nakahanda na rin aniya ang mga venue para sa iba’t ibang kompetisyon.

Kumpiyansa naman si PSC Chairman Patrick Gregorio na magiging matagumpay ang hosting ng Bacolod sa torneo na inaasahang lalahukan ng mahigit 18,000 atleta at higit sa 1,000 opisyal mula sa 188 local government units (LGUs) sa buong bansa.

Binigyang-diin ni Gregorio na mahalaga ang suporta at direktang partisipasyon ng lokal na pamahalaan sa pagho-host ng ganitong kalaking palaro.

Nilinaw rin niya na para lamang sa mga atletang may edad 8 hanggang 15 taong gulang ang Batang Pinoy, habang ang mga edad 16 at 17 ay inilaan para sa Palarong Pambansa.

“Sa Batang Pinoy, ang mga walong taong gulang na atleta ang mga superstar,” ani Gregorio.

Dinaluhan din ng PSC commissioner at Batang Pinoy project director na si Bong Coo, DILG Undersecretary Rolando Puno, Bacolod City Administrator Atty. Mark Mayo, at DepEd Director Miguel Mantaring ang forum.

Samantala, inihayag ni PSC Commissioner at Batang Pinoy Project Director Bong Coo na tataas sa 30 sports disciplines ang paglalabanan ngayong taon mula sa 27 noong nakaraang edisyon.

Nadagdag sa programa ang golf, skateboarding at bowling, habang kabilang pa rin sa mga tampok na sports ang athletics, basketball, boxing, chess, cycling, gymnastics, judo, karate, taekwondo, volleyball, weightlifting, wrestling, wushu at iba pa.

Umaasa si Coo na magiging matagumpay at mas masigla ang pagdaraos ng Batang Pinoy 2026 sa Bacolod City sa pagtatapos ng taon. (PSA/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

POC Mahigit 500 kabataan, tampok sa pagdiriwang ng Olympic Day

Mahigit 500 kabataan, tampok sa pagdiriwang ng Olympic Day

NAGING tampok ang mahigit 500 kabataan mula sa tatlong paaralan sa Tagaytay City sa pagdiriwang …

Philippine Sports Hall of Fame

7 alamat ng Philippine sports, pormal nang naitala sa Philippine Sports Hall of Fame

PORMAL na itinanghal sa ika-5 Philippine Sports Hall of Fame Enshrinement Ceremony ang pitong natatanging …

Sydney Sy Asia-Oceania Sambo Championships

World no. 1 Sydney Sy siguradong sasabak sa Asia-Oceania Sambo Championships

SIGURADO nang lalahok ang top local bet na si Sydney Sy sa 11th Asia-Oceania Sambo …

Pato Gregorio PSC Philippine Sports Hall of Fame

Gregorio: Mga kampeon ng nakaraan, inspirasyon ng susunod na henerasyon

MANILA – Binigyang-pugay ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio ang mga alamat ng …

Serbia vs Dominican Republic W VNL

Serbia bumangon, Dominican Republic hanap pa rin ang unang panalo

MULING nakabalik sa tamang landas ang Serbia matapos pataubin ang Dominican Republic, 25-19, 25-23, 25-18, …