Tuesday , November 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alexandria Queenie Pahati Gonzales

“Queenie” magbabalik sa Mandaluyong City

MAGBABALIK sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dating congresswoman ng nag-iisang distrito ng Mandaluyong City na si Alexandria “Queenie” Pahati Gonzales.

Ani Queenie, karangalan niyang makapagsilbing muli sa Mandaluyong.

Si Queenie, dating reporter ng TV 5, ay sinamahan ng kanyang asawa na Mandaluyong Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II sa paghahain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa tangapan ng

Comelec sa Greenhills, San Juan. 

“I am deeply honored to have the opportunity to serve the people of Mandaluyong once again,” ani Gonzales.

“There is still so much work to be done, and I am dedicated to continuing the initiatives that have a direct impact on the lives of our constituents,” aniya.

Naging congresswoman si Queenie ng  Mandaluyong City mula 2016 hangang 2019.

Malaki ang naging kontribusyon niya sa larangan ng kalusugan, edukasyon, at impraestruktura sa kanyang distrito.

Pinangunahan niya ang pagbakuna laban sa cervical cancer sa mga batang babae sa Mandaluyong at naging awtor sa pagsasabatas gaya ng Mental Health Law at ng Universal Health Care Law.

“Education and health are fundamental rights that should be accessible to everyone. I have always believed that by empowering our citizens through quality education and healthcare, we lay the foundation for a stronger community,” aniya.

Dahil sa kanyang adbokasiya, naitayo ang kauna-unahang 11-palapag na “green” city jail sa Mandaluyong na nakatulong para maging maayos ang kalagayan ng mga persons deprived of liberty (PDLs).

Naipatayo rin niya ang  Rizal Technological University Wellness Center, at ang Mandaluyong College of Science and Technology.

Napadali rin ang konstruksiyon ng 252 silid-aralan sa pamamagitan ni Gonzales. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Zaldy Co Goitia

Goitia sa mga Pahayag ni Zaldy Co: “Part 2 na, Wala Pa Ring Matibay na Ebidensya”

Ang ikalawang video ni Rep. Zaldy Co ay halatang idinisenyo upang makalikha muli ng ingay. …

FPJ Youth 4000 biktima bagyong Uwan

Sa kanilang 2-relief drive
FPJ Youth namahagi ng mainit na pagkain sa 4,000 biktima ng bagyong Uwan

NAGHATID ang FPJ Youth ng mainit na pagkain sa mahigit 4,000 indibiduwal sa walong probinsiya …

DOST DICT FMOGH

Cybersecurity Essentials Workshop for First Misamis Oriental General Hospital

#YourDICTRegionX continues to champion a cyber-secure Northern Mindanao! On October 16, 2025, the DICT Region …

DOST RIC Citronella

Citronella Convention Culminates with a Call for Collaboration and Action

LAL-LO, CAGAYAN — The 1st Regional Citronella Convention held in Lal-lo, Cagayan concluded on a …

Vince Dizon PBBM Zaldy Co Ping Lacson

Akusasyon ni Co vs PBBM imposible — Lacson, Dizon

TINAWAG na imposible nina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Department of Public Works and Highways …