Tuesday , June 23 2026
Navotas
Navotas

Mula sa Navotas LGU
Graduates nakatanggap ng financial assistance

NASA 3,776 Grade 6 completers ang nakatanggap ng P500 bawat isa habang may 1,986 Grade 12 completers ang nabigyan ng P1,000 bawat isa, bilang bahagi ng pagsuporta sa edukasyon at pagpapagaan ng pinansiyal na pasanin sa bawat pamilyang Navoteño.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay namahagi ng cash incentives sa Navoteño students na nagtapos sa mga pampublikong paaralan ng lungsod para sa taong panuruan 2025-2026.

Simula ngayong taon, ang mga Grade 10 completers ay kasama na rin sa graduation incentive program ng lungsod sa bisa ng City Ordinance No. 2026-03. May 2,722 Grade 10 completers ang nakatanggap ng tig-P1,000.

Samantala, ang mga graduate ng Navotas Polytechnic College ay tatanggap ng P1,500 kasunod ng kanilang graduation ceremony sa huling bahagi ng taong ito.

 Giit ni Mayor John Rey Tiangco, ang lungsod ay nananatiling nakatuon sa pamumuhunan sa edukasyon at pagkilala sa pagsusumikap ng mga mag-aaral.

“Education is one of the most important investments we can make for the future of our city. Through these incentives, we hope to encourage our students to continue striving for excellence and help ease the financial challenges faced by their families,” pahayag ni Mayor Tiangco.

Ang pamamahagi ng mga insentibo ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na hikayatin ang mga mag-aaral at palakasin ang mga programa sa suportang pang-edukasyon para sa mga estudyanteng Navoteño. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …