Tuesday , June 23 2026
Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

10 na patay sa gumuhong gusali sa Angeles City

UMABOT na sa 10 ang bangkay na nakuha ng mga search and retrieval team mula sa gumuhong itinatayong 9-storey building nang makarekober ng apat pang katawan kahapon sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga.

Sa ulat ng Angeles City Information Office, dakong 7:50 ng umaga nitong Linggo nang marekober ang ikapitong bangkay sa Quadrant 2 ng gumuhong gusali habang ang ika-walong bangkay ay nakuha dakong 2:51 ng hapon. Bandang 3:43 ng hapon at dakong 4:47 ng hapon kahapon nang mahukay rin ang ika-9 at ika-10 bangkay.

Agad isinailalim sa maingat na proseso ng pag-tag at dokumentasyon ng City Health Office sa naturang mga labi bilang bahagi ng mahigpit na ipinatutupad na Disaster Victim Identification (DVI) protocol upang matiyak ang tamang pagkakakilanlan sa mga biktima.

Sinabi ni Angeles City Mayor Carmelo “Jon” Lazatin II, iniulat din ng Unified Command na may natagpuang vaccination card sa lugar na may nakasulat na pangalan na posibleng makatulong sa pagkilala sa biktima.

Gayunman, inilinaw ng alkalde na patuloy pa itong sumasailalim sa masusing beripikasyon ng mga awtoridad at hindi pa maaaring ituring na opisyal na pagkakakilanlan hangga’t hindi nakokompleto ang mahigpit na proseso sa DVI.

Patuloy ang isinasagawang retrieval at clearing operations ng Unified Command sa gumuhong

9-palapag (under construction) noong 24 Mayo dakong 3:00 ng madaling araw sa nasabing lugar. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …