Tuesday , July 8 2025
Jay Khonghun Paolo Ortega PrimeWater
SINA Cong. Jay Khonghun ng Zambales at si Cong. Paolo Ortega V ng La Union sa panayam sa media matapos ihain ang resolusyon laban sa PrimeWater.

Tubig ay buhay, ‘di lamang negosyo – Khonghun
PRIMEWATER ISINALANG NA SA KAMARA

PINAIIMBESTIGAHAN sa Kamara de Representantes ang mga isyung bumabalot sa serbisyo ng PrimeWater na nakaapekto sa malawak na lugar sa bansa.

Sa pangunguna ni Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun hinimok nito ang Kamara na imbestigahan ang mga iregularidad sa Joint Venture Agreements (JVAs) na pinasok ng PrimeWater Infrastructure Corporation sa mga local water utilities.

Ayon kay Khonghun marami ang nagrereklamo sa serbisyo ng Prime Water.

Binigyang-diin ni Khonghun na kailangang magkaroon ng legal at matatag na regulasyon upang magkaroon ng malinaw at patas na kontrata sa privatized utility partnerships.

“Ang tubig ay buhay, hindi lamang negosyo,” ayon kay Khonghun.

“Water is not merely a commodity; it is life itself… Access to safe, clean, and affordable water is not a privilege, but a fundamental human right,” dagdag ni Khonghun.

Aniya ang PrimeWater, na saklaw ng mga kompanya ng pamilya Villar, ay nakipag joint venture sa mga local water districts kasama na ang Zambales.

Ayon kay Khonghun, napakaraming reklamo ang natanggap niya laban sa PrimeWater kagaya ng pagkawala ng tubig; mahinang pressure at ang paglabag sa “infrastructure commitments under PrimeWater’s management.”

“Numerous reports and public testimonies have highlighted persistent inefficiencies in water supply and service delivery under PrimeWater’s management, including prolonged service interruptions, low water pressure, delayed leak repairs, and failure to fulfill infrastructure development commitments,” saad ni Khonghun sa resolusyon.

“Consumers, local stakeholders, and civil society organizations have consistently raised grievances regarding PrimeWater’s lack of transparency and accountability, citing the company’s unresponsiveness to complaints, weak grievance redress mechanisms, and perceived prioritization of profit over the public’s right to water,” aniya.

“Such operational deficiencies and corporate practices raise serious concerns about the suitability of public-private partnerships in the water sector, particularly when public welfare is subordinated to private gain, thereby eroding public trust and weakening institutional safeguards,” paliwanag niya.

Aniya, pinaiimbestihmgahan ni Pangulong Marcos ang “service performance” ng PrimeWater at ipinarerepaso ang nga kontrata nito sa mga Local Water Utilities.

Ayon kay Khonghun, ang mga residente sa Subic, Zambales ay labis na desmayado sa serbisyo ng PrimeWater.

“The Sangguniang Bayan of Subic, Zambales unanimously adopted Resolution No. 29, Series of 2025, urging the Subic Water District (SWD) to terminate its JVA with PrimeWater due to chronic service failures and widespread public dissatisfaction,” ani Khonghun.

Anang kongresista ang  local council ng Subic ay nagpahayag ng lubos na pagkabahala sa serbisyo ng PrimWater habang ang Subic Water District ay naglabas ng “notice of pre-termination” ng kontrata nito sa PrimeWater.

“This move reflects the growing discontent among local governments with privatized utility services and underscores the broader need for stronger governance, accountability, and oversight in public-private partnerships,” pahayag sa resolusyon.

Ang problema sa Prime Water ay hindi lamang sa Subic kundi pati sa San Jose del Monte City.

Ayon sa mga nainterbyu ng reporter na ito, madalas kulay putik ang tubig na lumalabas sa gripo.

Ayon sa mga taga-Barangay Citrus ng San Jose del Monte, nagkaroon sila ng tubig sa madaling araw lamang.

“Kailangan kaming gumising ng alas 2:00 ng umaga upang makapag-igib ng tubig,” ayon sa impormante. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

NBI MAG-ASAWA ARESTADO SA KASONG EXTORTION Lalaki nagpanggap na NPA

MAG-ASAWA ARESTADO SA KASONG EXTORTION
Lalaki nagpanggap na NPA

HALOS pitong taon naging biktima ng protection racket at extortion ang isang negosyanteng taga-Caloocan City …

Luis Manzano Vilma Santos

Luis tutulong sa  non-civic project ni Vilma

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA ilang shows na inialok kay Luis Manzano na gustong balikan, ang Rainbow Rumble ang …

Roselio Troy Balbacal

Actor/model Roselio Troy Balbacal nanumpa  

MATABILni John Fontanilla NANUMPA na ang mga bagong-halal na opisyal ng bayan ng Tuy, Batangas …

BINI Gary V Alagang Suki Fest

Unilab at Mercury Drug ipagdiriwang 80 taon; P-Pop at OPM stars kasama sa Alagang Suki Fest 2025

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKABIBILIB ang katatagan at kahusayan ng Unilab at Mercury Drug. Kasingtagal na sila ng …

SM Foundation KSK 1

Farmers plant their way to financial security through backyard gardening

For years, many Filipino farmers have been unable to break the cycle of debt and …