Tuesday , February 27 2024
Joyce Penas Pilarsky JPP

Cosmo Manila 2022 sa Thai Fashion Week
KOLEKSIYON NI JPP INIRAMPA

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

RUMAMPA ng bonggang-bongga ang mga collection ni Joyce Penas Pilarsky (JPP) sa katatapos na SS23 Homme & Femme Collection sa Thailand Fashion Week noong Nobyembre 30 sa Varavela, Bangkok. Kasama niyang rumampa roon ang mga nagwagi at piling modelo sa Cosmo Manila 2022 ni Marc Cubales. Kaya collaboration ang naganap na pagrampa ng JPP collections sa Thailand Fashion Week.

Bago pa man umalis ang grupo nina JPP at Mar nakausap namin ang mag-asawa ukol sa imbitasyon ng Thailand Fashion Week. Excited kapwa ang dalawa lalo si Marc   dahil rarampa ang mga nanalo at selected models niya (Cosmo Manila 2022). 

We’re going to participate on the 29th and 30th of November sa Fashion week of Thailand and we are so happy and excited na we’re going to present our collection. We have two shows to show in collaboration with the Cosmo Manila 2022 and the other one is with collaboration with Ryan Chris.”

Ani Joyce nang makahuntahan namin ito sa kanilang tahanan, “every year we have this fashion week—Thailand, London, America. ‘Yun ‘yung ipakikita mo ‘yung fashion. Ngayon na-invite kami para ipakita ang collections namin for 2023 kaya we we’re happy na we’re invited.

“Ang Cosmo kasi since it was successful they gave us the invitation. Kasi ang mundo nagiging maliit na rin so kung may mga ganyang event na successful, gusto nilang i-showcase.

“They invites fashion designer from all over the world. Ini-invite nila kung sino ang gusto nilang i-showcase. Nov. 29 is fittings ng mga model and we’re bringing some of the models from Cosmo, dadalhin namin sila roon para rumampa,” ani Joyce.

Dinala nila ang walong model ng Cosmo —4 boys and 4 girls. 

Tampok ang tig-10 obra maestra ni Joyce para sa Spring Summer ‘23 at irarampa rito ang kanyang Mystique Collection o iyong mga evening wear kasama ang La Vie o iyong parang celebration of life. 

Matagal ding inihanda ni Joyce ang mga damit na irarampa pero at aniya, “Medyo matagal na rin iyon kailangan kasi mayroon na akong naka-prefer and then later kukuha na lang ako ng ia-add ko kung ano ang gusto ko kasi ang hirap ng lagi kang nagra-rush, kailangan ka talaga na handa ka sa mga fashion na gusto mong rampahan.”

At sa paghahanda ng mga damit ang pinakamahirap ani Joyce ay ang bead works. “Kasi hands lahat at hand made iyon lahat. At next time we’re thinking of hand painted na ang mga damit. Siyempre sa artist, mas maganda kapag unique ka eh,” sabi pa ni Joyce.

Sinabi naman ni Marc, ang producer ng bikini competition na Cosmo Manila 2022 na ginawa noong Nobyembre 5 sa SM North Edsa at producer ng Finding Daddy Blake na malapit nang ipalas,  “High fashion couture ito. The designs are elegant and outlandish, highlighting glamour and dark mystery.” 

Sinabi pa ni Joyce na masaya siya sa pagsali sa mga fashion week sa iba’t ibang bansa dahil, “It’s just that I’m proud to be a Filipina and I’m proud to used the materials that I have in the Philippines, so parang to show the world that the Filipino’s are creative and talented and we can compete with the foreigners around the world.”

Hindi ito ang unang pagsali ni JPP sa mga fashion week abroad, actually katatapos din lang ng London Fashion Week noong Sept 17 sa Leonardo Hotel. Si Joyce ay isang award winning international fashion designer at tumanggap na ng maraming awards sa fashion.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sylvia Sanchez Lorna Tolentino

Sylvia hataw ang tandem kay LT, Nathan Studios mas magiging aktibo ngayong taon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGIGING abalang-abala ngayong taon ang premyadong aktres na si Sylvia …

David Pomeranz When Magic Hurts

David Pomeranz ipinagkatiwala kantang Got to Believe in Magic sa pelikulang When Magic Hurts

I-FLEXni Jun Nardo PUMAYAG ang foreign singer na si David Pomeranz na gamitin ang kanta niyang Got To …

Blind Item, Man Woman Fighting

Actress-host wa na epek ang pamba-blackmail na magpapakamatay kay poging BF

I-FLEXni Jun Nardo ON and off ang relasyon ng showbiz couple na ang babae ay …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Batikang showbiz gay nalansi ni poging kontesero na make-up artist din pala

ni Ed de Leon MINSAN talaga ano man ang talino ng matsing, nau-unggoy pa rin. …

Vilma Santos

Ate Vi sa fans — Hindi ako magsasawang bigyan ng priority ang kanilang kasiyahan

HATAWANni Ed de Leon ANO nga ba ang halaga ng isang acting award? Bigyan ka …