Saturday , July 27 2024
Arnell Ignacio Atty Honey Quiño

Arnell at Atty. Honey perfect combination 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SA maikling panahon na nagkatrabaho sina OWWA Administrator Arnell Ignacio at Deputy Administrator for Operations na si Mary Melanie “Honey” Quiño, unti-unting nabuo ang magandang samahan nila dahil nagkakasundo sila sa iisang layunin at iyon ay ang kapakanan ng ating mga OFWs. 

Dating Deputy Administrator ng OWWA si Arnell bago naupong Administrator samantalang si Atty. Honey naman ay ang COO o Chief Operating Officer ng AQ Prime App. na kilala sa paggawa ng napakaraming pelikula na iba-iba ang tema at ilan dito ay mga award-winning films sa ilang international filmfestival abroad.

Nais ng dalawa na mapabilis pa ang serbisyo ng OWWA sa ating mga kababayan abroad at masagot ng mabilisan ang kanilang mga problemang kinahaharap, kaugnay man ito sa kanilang mga trabaho o problemang legal.

Maraming proyekto ang OWWA na lalo pang pinaigting ng dalawa tulad ng OWWA Cares Hotline na 1348 na bukas 24 hours, ang Parokya ni OWWA na inaabot ang mga barangay sa buong bansa upang pangalagaan ang mga pamilyang naiwan ng ating mga OFWs at makapagturo ng tamang impormasyon sa mga nagbabalak umalis ng bansa at magtrabaho abroad.

Nandyan din ang iba’t ibang scholarships program ng OWWA na kamakailan ay nakapagpatapos ng maraming anak ng OFWs mula sa iba’t ibang pamantasan sa buong bansa at naka-graduate with Latin honors.

Talaga ngang masasabi na perfect combination ang dalawang magiting na public servants dahil napakarami pa nilang mga proyekto na gagawin sa susunod na taon gaya ng pag-revive ng Hatid-Saya at ang pagbubukas ng Migrant’s Brew coffee shop sa lobby ng OWWA. Lahat ng mga pumupuntang OFWs sa OWWA ay makaa-avail ng libreng coffee at snacks habang naghihintay maproseso ang kanilang mga papeles at concerns.

Kaabang-abang ang mga proyekto nina Admin Arnel at DA Honey na iisa ang common denominator, ito ay ang ikabubuti ng kalagayan ng ating mga OFWs kasama ang kanilang mga naiwang pamilya sa Pilipinas. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …