Saturday , February 4 2023
shabu drug arrest

HVI huli sa P .3-M shabu

ARESTADO ang isang high value individual (HVI) na miyembro ng isang criminal group matapos makuhaan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu nang masakote ng pulisya sa buy-bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Lt. Col. Renato Castillo, hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDED) ang naarestong suspek na si Jonnel Nabera, alyas Iyang, 37 anyos, miyembro ng Danny Castro Criminal Group, at residente sa Northville 2, Brgy.  Bignay.

Ayon kay Castillo, dakong 12:48 am nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU-NPD ng buy- bust operation sa Northville 2, Brgy. Bignay, Valenzuela City, isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P7,500 halaga ng droga.

Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagsilbing poseur-buyer kapalit ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakompiska kay Nabera ang halos 50 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P340,000; at buy bust money na isang P500 bill, at pitong pirasong P1,000 boodle money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Naty Castro

Bansag na ‘terorista’ ng ATC kay Doc Naty pinalagan

KINONDENA ni House Deputy Minority leader Rep. France Castro ng ACT Teachers party-list ang pagbabansag …

Rex Gatchalian DSWD

Rex Gatchalian bagong DSWD secretary

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., si  Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian (1st district) …

money thief

2 Australiana, ninakawan ng Nigerian sa QC condo

TINANGAY ng isang Nigerian ang US$39,000 ng dalawang Australiana na kaniyang katransaksiyon sa negosyo sa …

Luisa Silvestre bagong konsehal ng Marilao, Bulacan

Luisa Silvestre bagong konsehal ng Marilao, Bulacan

PINANGUNAHAN ni Gob. Daniel Fernando ang panunumpa sa tungkulin ng bagong konsehal ng pamahalaang bayan …

Bulacan Police PNP

8 tulak, 5 wanted inihoyo ng pulisya

MAGKAKASUNOD na naaresto ang walong hinihinalang mga notoryus na tulak ng ilegal na droga at …