DOBLE-DOBLENG pasasalamat ang ibinahagi ni Alfred Vargas sa mga taga-District 5 ng Quezon City na sa ikalawang pagkakataon ay muli silang pinagkatiwalaan ng kayang kapatid na si PM Vargas. Muling pinagkatiwalaan ng taga-distrito singko si Alfred bilang konsehal samantalang si PM naman ay kongresista na kakatawan din sa 5th District.
Idinaan ni Alfred ang pasasalamat sa kanyang Instagram account kalakip ang mga video nilang magkapatid habang nangangampanya gayundin ang pagkakaproklama sa kanila kasama si Quezon City Mayor Joy Belmonte. Nilapatan din ito ng awiting We are The Champions ng Queen.
Caption ni Alfred sa post, “We are the champions, my friend… And we’ll keep on fighting ’til the end..
“To God be the glory!!!
“Doble-dobleng pasasalamat sa lahat ng ating kababayan para dito sa ating double victory sa District V!”
Sa pagwawagi ni Alfred haharapin agad niya ang pagtatrabaho para maipagpatuloy ang kanyang mga proyekto sa kanyang distrito. Isa na ang programang pang-edukasyon.
“Starting this July, we will start rolling out our ‘Alagang Vargas Scholarship Program 2.0, level up!’ This educational assistance program aims to provide one scholar for every Novaleño family. Isang pamilya, may isang iskolar. This scholarship is for elementary, high school and college levels and there is no grade requirement. Basta pasado ka, pasado ka na rin sa program! The scholarship will continue until the student graduates from college.
“So far, we have 20,000++ college graduate scholars already who are now accountants, managers, engineers, teachers, nurses and even elected barangay officials, among others!,” pagbabahagi ni Alfred nang makausap namin ito.
Tulad ng ibang kandidato dumaan din sa maraming pagsubok ang aktor/politiko habang nangangampanya. Maraming fake news at disinformation ang ibinato sa kanya. Subalit inilaban siya ng kanyang mga ka-distrito. Sinamahan siya gayundin ang kanyang kapatid na si PM hanggang dulo.
Kaya naman gayun na lamang ang pasasalamat ni Alfred. Aniya, “Maraming salamat sa inyong pagmamahal, supprta at tiwala through the years! Sa gitna ng napakaraming paninira, fake news, kataksilan, kasinungalingan at pandaraya, nanatili kayong tapat at totoo at nanindigan para sa prinsipyo at tunay na serbisyo.
Inilaban ninyo kami kahit mahirap. Sinamahan niyo kami hanggang dulo!”
“Dito natin napakita na isa tayong tunay na pamilyang magkasama sa hirap man o ginhawa at handang lumaban para sa tama at para sa isa’t isa at para sa bayan!”
Binati at pinuri rin ni Alfred ang kapatid na si PM dahil sa pagiging tunay at tapat na lider na ang hangad ay laging makatulong sa kapwa.
“Congrats bro Congressman PM Vargas @pmvargasph !!! Isa kang tunay na lider na may sinseridad, puso at tapang para sa mga mamamayan ng Novaliches. We are proud of you. Nanalo ka muli at mahal ka ng distrito dahil isa kang mabuting tao na may tunay na pagtulong at malasakit sa kapwa.”
Sa huli ipinangako ni Alfred na patuloy siyang maglilingkod ng totoo at daragdagan pa ang mga programang pakikinabangan ng kanyang mga ka-distrito.
“Ang inyong lingkod naman po, Alfred Vargas, ay patuloy na maglilingkod nang totoo at lalo pa nating pagbubutihin ang ating mga programa at lalong palalakasin ang ating pagsasama.
“Novaliches, mahal na mahal kita. Maraming salamat po sa inyong muling pagtiwala!
#alagangvargas #elections #victory #grateful”
Bukod sa kanyang mga ka-distrito, pinasalamatan din ni Alfred ang kanyang asawang si Yasmine Espiritu na kasama niyang naglibot at nangampanya gayundin ang mga anak na sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra, Alfredo Cristiano, at Baby Aurora Sofia.
“I thanked them immensely, especially my wife. My family has sacrificed so much to support me these last 15 years in public service. So much of my time was spent serving others and sometimes, at the expense of my time with my family. But they understood me all the way and knew how much passion I had in trying to effect positive change. I have achieved so much because my wife and children supported me and for that, I am immensely grateful.” (MValdez)