Thursday , June 18 2026
Joshua Garcia

Joshua ‘di komportable paghuhubad sa harap ng kamera

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

INAMIN ni Joshua Garcia na hindi siya komportable o sanay sa mga eksenang love scene. Hindi rin siya sanay na naghuhubad sa harap ng kamera.

Ito ang ibinunyag ng aktor sa isinagawang Star Magic Spotlight Presscon kamakailan sa Dolphy Theater para na rin sa promosyon ng kanilang serye ni Ivana Alawi, ang Love Is Never Gonesa Prime Video.

Ani Joshua, 12 taon na siyang artista at sa dami ng mga nagawa niyang teleserye at pelikula, hindi pa rin siya sanay sa love scenes.

Naurirat ang aktor ukol sa maiinit nilang romansahan ni Ivana sLove Is Never Gone. At dito nga siya umamin hirap siya sa paggawa ng maiinit na eksena.  

“Actually hindi ako comfortable at all doing love scenes, like showing my body in front of the camera. Pero kasi roon nangagaling ‘yung pagiging actor mo.

“Uncomfortable talaga kasi, showing your body? Ang hirap niyon ha! Every time na may love scene ako kinakausap ko ‘yung mga cameraman namin. Sasabihin ko sa kanila, ‘Uy, iwasan mo ‘yung tiyan ko ha?’” nangingiting pagbabahagi ni Joshua.

“Ang gagawin niya naman kahit naririnig ko si Direk (Manny Palo), ‘Ibaba mo pa ‘yung camera, ‘yung angle mo, ibaba pa.’ 

“‘Yung cameraman matibay siya hindi niya talaga ibinababa. So, kapag ganoong scene, idinadaan ko muna sa mga cameraman,” aniya pa.

Kaya naman para hindi mahirapan sa mga intimate scene ni Ivana, isinapuso na lang  niya ang pinanggagalingan ng character niya bilang si Theo.

“Inisip ko na lang na ako si Theo. Kasi every love scene naman may pinanggagalingan ‘yan eh, and ‘yung scene na ginawa namin bago mag-love scene, mahaba siya talaga although maikli lang ‘yung ipinakita,” esplika ng aktor.

Ibinuking pa ni Joshua na never silang nagkaroon ng meeting ni Ivana bago nagsimula ang serye kaya nakadagdag pa iyon ng kaunting ilang sa paggawa ng intimate scene.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Patricia Javier Imagine Me Without You

Patricia’s Imagine Me Without You music video labas na sa Youtube 

MATABILni John Fontanilla LABAS na ang Music Video ng awiting Imagine Me Without You ni Patricia Javier sa Viva YouTube …

Anna Katrina Lara

Anna Katrina excited sa Reignited concert

MATABILni John Fontanilla EXCITED na ang 2000 Metropop Grand Champion na si Anna Katrina Lara sa nalalapit na reunion …

Ryza Mae Dizon

Ryzza Mae nag-birthday sa Hongkong

MATABILni John Fontanilla LUMIPAD patungong Hongkong ang actress at Eat Bulaga host na si Ryza Mae Dizon para i-celebrate …

Sofia Pablo

Sofia Pablo may alinlangan bago sumali sa PBB

RATED Rni Rommel Gonzales NAGDALAWANG-ISIP pala si Sofia Pablo na sumali dati sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab …

Dennis Trillo Calix Ho

Dennis sobra ang pasalamat anak na naaksidente maayos at mabuti na ang kalagayan

RATED Rni Rommel Gonzales MAKALIPAS ang isang buwan mula noong maaksidente si Calix ay ibinahagi ni Dennis Trillo na …