SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
HINDI rin alam ni Fyang Smith kung bakit sila nag-click ni Dina Bonnevie. Ang nakatitiyak siya, sobrang bait ng magaling na aktres sa kanya.
Sa Star Magic Spotlight Presscon ipinaliwanag ni Fyang kung paano sila naging close ni Dina. Ipinagtanggol din ng Kapamilya star ang veteran award-winning actress sa mga hater sa social media.
Aniya, parang mag-nanay ang turingan nilang dalawa. Katunayan, Mama D ang tawag niya kay Dina at never silang nagkaroon ng isyu.
Kaya naman ganoon na lamang ang pagtatanggol ni Fyang kay Ms D lalo’t may mga nangnenega sa huli dahil sa isang video na kumalat sa socmed na tila dinedma-deadma raw ng beteranang aktres ang una.
Magkasama sina Dina at Fyang sa seryeng Love is Never Gone nina Ivana Alawi at Joshua Garcia.
Ani Fyang, “Mama D” ang tawag ko po sa kanya at para talagang magnanay ang turingan namin sa tunay na buhay.”
“Never kami nagka-isyu. At saka hindi kasi nila kilala si Mommy D bilang nanay. Hindi nila kilala si Ms. D kapag walang camera,” paglilinaw pa ng batang aktres.
“Nakakapag-judge lang naman sila kapag may camera. Pero kapag nakilala talaga nila si Ms. D nang husto, masasabi talaga nila na sobrang bait ng nanay ko talaga,” wika pa ni Fyang.
“Depende na sa tao ‘yun kung bibigyan nila ng meaning. Pero one thing is for sure, sobrang bait talaga. ‘Yun talaga ‘yun.”
Sa pagbabahagi ni Fyang, madali silang naging close na Dina simula pa lang ng taping nila ng Love is Never Gone.
“Actually kami ni Mama, wala pa kaming eksena, lagi akong pumupunta sa kwarto niya para guluhin siya. Swear.
“Lagi ko siyang ginugulo na parang minsan ‘pag natutulog siya, yayakap lang ako.
“Kapag wala pa kaming eksena, pupunta naman siya sa kwarto namin ni Jane (Oineza), nila Ate Ivana. Wala, magkukuwentuhan lang kami. Mga typical na chismisan lang na ginagawa namin ni Mama,” excited na pagbabahagi pa ni Fyang.
“Sobrang close kami ni Mama. As in, kaya ko nang mag-open sa kanya. Ganoong point ng closeness namin,” sabi pa ni Fyang na inaming noong una ay natakot din siya sa aktres.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com